Rhian Ramos airs her side about encounter with Alessandra de Rossi

Apr 1, 2007
Alessandra de Rossi (left) and Rhian Ramos had an encounter during the taping of their show, L.U.V. Pow. According to Rhian, she had no idea that her joke would be taken too seriously by Alex.

Magkaiba ang side ng kuwento nina Alessandra de Rossi at Rhian Ramos sa issue na nangyari sa kanila sa L.U.V. Pow.

Dalawang sources ang nagkuwento ng side ni Alex sa bulyawan issue.

Umaga pa lang daw, may ilang staff na ang nagrereklamo kay Alex about Rhian's attitude problem when dealing with them. Pinayuhan sila ni Alex na hayaan na ang bata, dahil maganda naman daw siya.

Sa last take ni Rhian for the day kung saan si Alex ang ka-eksena niya, nagkamali ng pronunciation si Alex sa character name ni Rhian. Instead of "Yumi," she pronounced this as "Umi"—how it was spelled in the script. Nag-apologize si Alex for the retake at nagbiro pa ito.

Biglang nagsalita sa kaniya si Rhian na, "Why can't you be professional please, I'm working my ass off here!"

Nagulat si Alex sa reaction ni Rhian ngunit dinaan niya na lang sa pagbato niya ng kaniyang cell phone three times na ikinasira ng keypad nito. Pag alis ni Rhian, saka umiyak si Alex.

Continue reading below ↓

Nagtimpi si Alex dahil may lalabas siyang bagong commercial. Ayaw niya ng another issue kung kaya't kahit anong galit niya, hindi siya makasagot at makatalak.

Saturday, nakausap namin ang head ng GMA Artist Center na si Ms. Yda Henares, ang tiyahin ni Rhian. Ms. Yda is the sister of Rhian's mother.

In fairness to Rhian, never niya itong ipinagkalat at may usapan sila ng Tita Yda niya that if Rhian will figure in a big controversy, the Artist Center head will be forced to take her out of showbiz.

Kuwento ni Ms. Yda, kinausap niya raw agad ang pamangkin nang unang lumabas ang issue.

Sabi raw ni Rhian, she didn't expect that it will be blown out of proportion dahil she was just joking. Fact is, according to her, ginagaya niya lang daw si Alex na nagpapatawa the whole day of taping na magpaka-professional lahat. Hindi raw akalain ni Rhian that Alex will take it against her kapag ginamit ito sa kaniya.

We went back to our original sources on this.

True, nagbibiro raw si Alex the whole day, but definitely not with Rhian, sa ibang staff and sa ibang co-stars lang daw na nakasama na niya. Wala rin daw matandaan ang aming source na pagbibiro ni Alex about professionalism.

At press time, through a middle person, nag-request ng dinner si Rhian kay Alex to apologize and sort this out. Hiningi rin daw ni Rhian ang phone ni Alex para makapag-usap sila.

Last Saturday, na pack-up ang taping ng L.U.V. Pow. Sa Tuesday, April 2, ang resumption at balak kausapin ng executive producers ang dalawa tungkol sa isyu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi (left) and Rhian Ramos had an encounter during the taping of their show, L.U.V. Pow. According to Rhian, she had no idea that her joke would be taken too seriously by Alex.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results