Richard Gomez's decision: Run for senator!

Apr 2, 2007
Actor Richard Gomez has decided to continue his senatorial bid in the coming May 14 elections.


Nag-float last week na baka umatras bilang senatorial candidate si Richard Gomez and instead sumabak na lang siya bilang party-list candidate para sa Kongreso.

Matatandaang na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Goma last Thursday, March 29—ang huling araw ng pagpa-file ng candidacy for local elections sa Commission on Elections (COMELEC)—tungkol sa kaniyang political plan. Ito ay matapos makatanggap ang PEP ng report na pupunta ang aktor sa COMELEC upang pormal na iurong ang kanyang kandidatura mula sa senatorial race.

Isa sa mga rason na nagbunsod diumano kay Richard para umatras ay ang mababa raw niyang puwesto sa pinakahuling survey ng SWS (Social Weather Stations) na inilabas noong March 27. Nasa 22nd-33rd place lamang si Goma kasama ang TEAM Unity candidate na si Tessie Aquino-Oreta. Labing-dalawang slots ang pinaglalabanan ng mga kandidato for senator.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Goma, sinabi nitong magdedesisyon siya kinabukasan, March 30, kung itutuloy niya o hindi ang pagtakbo bilang senador. Pero inamin din niya na nakikipag-usap siya sa isang party-list group na posibleng salihan niya. Kung magkakasundo raw sila, uurong si Goma sa senatorial race para tumakbong party-list representative sa Kongreso.

Continue reading below ↓

Dumaan ang itinakdang deadline ni Goma sa sarili at nagdesisyon ang aktor. Tuloy ang ang kanyang kandidatura for senator bilang independent candidate.

"Naglaro sa isip ni Goma yun, pero di pa man natatapos ang araw na yun, deleted na agad yung naglaro sa kukote niya. Lalo pa't unwavering ang support sa kanya ng mga mahal niya sa buhay, especially his wife Lucy Da Great [Lucy Torres-Gomez]," ayon sa source ng PEP.

By the way, a couple of elections ago, nanalo si Goma bilang party list representative ng MAD (Mamamayan Ayaw Sa Droga). Yun nga lang, bago pa man i-proklama si Goma, MAD was delisted by the Comelec as a legitimate political party.

Read Next
Read More Stories About
Richard Gomez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Richard Gomez has decided to continue his senatorial bid in the coming May 14 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results