Anne Curtis at Direk Wenn Deramas, nagkatampuhan?

by Dina Carillo
Apr 3, 2007
According to a PEP spy, director Wenn Deramas (left) and young actress Anne Curtis had a misunderstanding while on the set of Ang Cute ng Ina Mo. The alleged cause? Direk Wenn allegedly did not grant Anne's request to allow her not to report on the last day of shooting.

Kahapon, ika-2 ng Abril 2007, nailathala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang unang blog entry ni John "Sweet" Lapus. May isang parte sa kanyang isinulat na pumukaw sa aming atensiyon. Ika nga kapag may usok, posibleng may sunog, kaya hindi nakaligtas iyon sa amin.

'Eto namang si Sweet ay talaga namang napaka-sweet sa mga katrabaho na kahit anong pilit namin na idetalye ang mga pangyayari sa kanyang blog ay nanatiling sweet pa rin ang kanyang pagkakakuwento.

Buti na lang, nakahanap kami ng isang spy.

May tampuhan daw sina Direk Wenn Deramas, ang direktor ng Ang Cute ng Ina Mo na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas, at si Anne Curtis na isa sa mga miyembro ng cast? Gaano katotoo ang usap-usapan na hindi raw nagkibuan ang dalawa sa last day of shooting?

Ayon sa aming source, korek nga talaga si John dahil nagkaroon raw ng isnaban blues si Anne at Direk Wenn.

Continue reading below ↓

The night before the last day of shooting ng nasabing pelikula ay humingi raw ng permiso si Anne sa Viva, na siya ring nagma-manage sa kanya, kung pwedeng hindi siya makapunta.

Ang rason diumano ay ang medical results ng Daddy ni Anne na ilalabas ng araw rin na iyon. Ayon daw sa girlfriend ng kanyang Daddy (matatandaang hiwalay ang mga magulang ng young actress), "you should be here for your Dad."

In panic mode naman itong si Anne kaya't kinausap niya si Direk Wenn kung puwedeng hindi siya sumipot sa last shooting day.

Natural, hindi naman ganoon kadali iyon lalo pa't marami pa raw eksena si Anne. Dahil dito, nagtampo raw ang young actress.

At noong huling araw ng shooting, bagama't sumipot pa rin si Anne kahit na medyo na-late, nag-deadmahan naman daw silang dalawa ni Direk Wenn.

Back to the medical results of her Dad, okay naman daw at medyo napasobra lang ang pag-aalala ng girlfriend ng Dad ni Anne. Pero nangyari na ang nangyari at nagkatampuhan na sina Anne at Direk Wenn. Sa panig daw ni Anne, bakit hindi maintindihan ng direktor ang kanyang sitwasyon? Sa panig naman ni Direk, bakit kailangang malagay sa alanganin ang buong production nang dahil sa isang personal na problema ng cast member?

Continue reading below ↓

Anyway, iyon daw ang naging eksena sa likod ng Ang Cute ng Ina Mo. Cute ba? Gayunpaman, may tampuhan man o wala, may isnaban mang naganap o wala, tuloy na tuloy na ang showing ng naturang pelikula sa April 7!

Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, John Lapus
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a PEP spy, director Wenn Deramas (left) and young actress Anne Curtis had a misunderstanding while on the set of Ang Cute ng Ina Mo. The alleged cause? Direk Wenn allegedly did not grant Anne's request to allow her not to report on the last day of shooting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results