Digital Babies: Dingdong and Karylle!

Apr 9, 2007
Heto na po sina KARA at DARYLLE (inset). Years from now, silang dalawa ang makikita nating humahataw o bumibirit sa S.O.P., ang variety na show na kinabibilangan ng kanilang mga magulang na sina Dingdong at Karylle.

Isa sa hottest couple ng GMA-7 sina Karylle at Dingdong Dantes, kaya nga kilig na kilig ang mga fans sa tuwing nakikita silang magkasama. At imadyinin nyo na lang, dahil laging in love sina Karylle at Dingdong sa isa't isa at lagi ngang magkasama, di siguro mapahinga sa kakikilig at katitili ang kanilang mga fans.

Kaya nga naisipan na rin ng Hi! magazine na igawa na rin ng "What If?" babies itong sina Karylle at Dingdong. Lalo na't may mga fans na ring nagtatanong kung kelan ang kasal nilang dalawa, di malayong may mga magtatanong na rin kung kelan naman nila gustong magkaanak.

Well, inunahan na namin sila. Gumawa na kami rito't nanghula na rin kami kung ano ang itatawag nina Karylle Padilla Tatlonghari at Jose Sixto Dantes III sa kanilang babies.

Iniimadyin naming kukuha ng parts ng kanilang pangalan ang proud parents at iku-combine ang mga ito para sa names ng kanilang babies, kaya nga ladies and gentlemen of planet Earth, ipinakikilala namin ang babies nina Karylle and Dingdong—Kara and Darylle.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Karylle
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heto na po sina KARA at DARYLLE (inset). Years from now, silang dalawa ang makikita nating humahataw o bumibirit sa S.O.P., ang variety na show na kinabibilangan ng kanilang mga magulang na sina Dingdong at Karylle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results