Lorna clarifies report that Rudy has a pacemaker

Apr 4, 2007
"I have no reason to complain. Napakaraming blessings na ang ibinigay sa akin ni Lord including my husband and my two sons and I know we can survive this trial," says Lorna Tolentino about the medical condition of her husband, Rudy Fernandez.

Iwinasto ng multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa TV Patrol World ng ABS-CBN kagabi, April 3, ang unang napabalita na nilagyan na ng pacemaker ang puso ng kabiyak niyang si Rudy Fernandez.

Kasalukuyang nasa Cardinal Santos Hospital si Rudy para sa ika-apat niyang chemotheraphy kaugnay sa sakit nitong periampullary cancer, isang agresibong uri ng cancer na mabilis kumakalat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Noong April 1 ay iniulat sa The Buzz na nilagyan na ng pacemaker ang puso ng aktor. It turned out na si Lolit Solis, manager nina Rudy at Lorna, ang source ng The Buzz.

Ngunit ayon kay LT ay mali ang iniulat ni Manay Lolit na lumabas din dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) dahil hindi raw pacemaker kundi tubo ang inilagay sa dibdib ng kanyang asawa para magsilbing daluyan ng gamot para sa chemotheraphy ng aktor. Layunin ng nasabing tubo na mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Rudy kapag sumasailalim siya sa chemotheraphy.

Continue reading below ↓

Samantala, masayang-masaya si LT sa sinabi ng doktor na sa kabila ng Stage IV cancer ni Rudy ay nananatiling malakas ang kanyang puso, baga, bato, at iba pa niyang organs. Kasabay nito ay nanawagan na rin si LT sa lahat ng mga supporters at kaibigan ng kanyang kabiyak na dagdagan pa ang pagdarasal para sa ikagagaling ng aktor.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng award-winning actress na sa dalawang anak nila ni Daboy na sina Ralph at Renz ay ang una ang pinaka-apektado sa kundisyon ng kanilang ama.

"Yung panganay ko, si Ralph, is the most affected among us. He went to Baguio recently for a silent retreat for his Dad and I appreciate that," sabi ng 45-year-old actress.

Si Ralph na may kursong double major in Psychology and Filmmaking ay nakatakdang grumadweyt sa darating na October sa Ateneo, samantalang si Renz ay second year college student taking up Interdisciplinary Studies.

Continue reading below ↓

Sa mga nakaraang panayam ng Startalk, sinabi rin ni LT na sa kabila ng kalagayan ni Daboy ay wala siyang karapatang magreklamo. At naniniwala siya na malalampasan nila ang pinagdadaanang pagsubok.

"I have no reason to complain. Napakaraming blessings na ang ibinigay sa akin ni Lord including my husband and my two sons and I know we can survive this trial," positibong pananaw ng award-winning actress.

Read Next
Read More Stories About
Rudy Fernandez, Lorna Tolentino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I have no reason to complain. Napakaraming blessings na ang ibinigay sa akin ni Lord including my husband and my two sons and I know we can survive this trial," says Lorna Tolentino about the medical condition of her husband, Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results