John Estrada, tatay na tatay sa Boracay!

Apr 5, 2007
PEP spotted John and his kids—Inah, Kyla, Moira, and Yuan—at the Manila domestic airport. The family was enroute to Boracay for their Holy Week vacation.

Nakakaaliw panoorin si John Estrada habang nakikipaglaro sa apat na anak niya kay Janice de Belen na sina Inah, Moira, Kyla, and Yuan sa dalampasigan ng Boracay kahapon ng hapon, April 4.

Nakadaumpalad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa Sun Village Resto & Bar. Agad namin itong kinausap tungkol sa pagpunta niya kasama ang mga bata sa Boracay ngayong Semana Santa.

"Salamat naman at may natutuwa," panimula nito. "Ganito talaga ako sa mga anak ko at hindi ito pakitang tao. I'm very close to my kids."

Noong Holy Week ng nakaraang taon ay nagbakasyon naman ang mag-aama sa Shangri-la, Cebu. Ayon kay John, hindi niya ito ginagawa dahil gusto nitong sundin ang kapritso ng mga anak, kung di ito lang ang panahong wala silang ginagawang trabaho. At sa mga ganitong pagkakataon, he makes it a point na maka-bonding ang mga anak.

"Hindi pagbabawi ito sa pagkukulang ko ng panahon sa kanila. Talagang it's my treat for my kids pero hindi ito sa pagbabawi. Kung pagbabawi ang pag-uusapan ay habang buhay akong bumabawi," pagpapaliwanag ng Maria Flordeluna star.

Continue reading below ↓

Napunta ang usapan sa ina ng mga bata na si Janice. Tinanong namin si John kung hindi ba humiling ang kanyang mga anak na magbalikan sila ng actress-TV host.

Sagot ni John, "Hindi naman ako ipokrito and I don't gonna deny naman and I don't gonna lie to my kids, hindi nila gusto 'yon. But you know, my eldest [Inah] is fifteen and she understands already. My second, Moira, is thirteen going to fourteen. Kyla just turned eleven and my youngest son si Yuan, he's eight years old. Alam na nila ang sitwasyon, and they got used to it sa kanilang paglaki."

Dagdag pa ni John na wala itong problema sa ina ng mga bata dahil kahit anong oras na gusto niyang makasama ang mga anak ay hindi sila ipinagdadamot ni Janice sa kaniya.

Natawa si John nang napag-usapan namin ang pagni-ninong niya sa pagpapakasal ni Janice sa isang Ateneo law student. Wala raw itong katotohanan. Biru-biruan lamang ang lahat at sinabi rin nitong walang magaganap na kasalan.

"Actually, hindi namin pinag-uusapan ni Janice ang aming personal lives so I cannot really speak for her. Ang narinig ko, hindi daw totoo, at sabi niya, 'hindi nanggaling sa akin,' na if ever she's gonna get married, sasabihin niya at ia-announce niya."

Bilang panghuli, sinabi ni John, "She is the mother of my kids at nag-iisa lang talaga 'yon. So, of course, I care for her, concerned ako sa kanya. Pero hanggang doon na lang 'yon, and what my kids are telling me, she is a good mom. And for my kids, lahat gagawin ko para sa kanila."

Read Next
Read More Stories About
John Estrada, Janice de Belen
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP spotted John and his kids—Inah, Kyla, Moira, and Yuan—at the Manila domestic airport. The family was enroute to Boracay for their Holy Week vacation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results