Jao Mapa plays his most daring role to date

by Nonie Nicasio
Apr 6, 2007
"First time ko baleng gumanap bilang babae, pati na yung makipaghalikan sa kapwa ko lalaki," says Jao Mapa (pictured, right, with William Redmond) about his role in the digital film Xerox Copy.

Walang kaso kay Jao Mapa kahit second choice lang siya sa pelikulang Xerox Copy na handog ng Travelers Films & Entertainment Intl. Inc./Colours Films International Inc. Unang kinunsidera para sa naturang role si Paolo Ballesteros ng Eat Bulaga!

"Besides the thought na karangalang makatrabaho si Dikong [Direk Deo Fajardo, Jr.], gusto ko kasing makatrabaho ang magagaling, e, so okay lang kung second choice ako. Sabi naman ng line producer namin [Cherry Domingo] ay first choice niya ako, so okay na 'yon," sabi ni Jao sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press preview ang Xerox Copy last Saturday, March 31 sa Balara, Quezon City.

"Okay si Paolo, mukhang babae talaga si Paolo roon sa Eat Bulaga! [Miss Bebot beauty contest] Hindi ko lang alam kung sino ang mas maganda sa amin kapag naka-ayos babae na!" tawa pa niya.

Bukod kay Jao, pinagbibidahan ang Xerox Copy nina Nancy Castiglione, Cloyd Robinson, Michael Rivero, William Redmond at iba pa, sa direksiyon ni Deo.

Continue reading below ↓

Itinuturing ni Jao na pinaka-daring role niya ang gagawin sa naturang pelikula.

"Apat ang karakter ko rito, yung bagong Madonna, lumang Madonna, yung Madonna na middle-aged, at yung Arthur. Si Arthur yung ampon ng middle-aged Madonna na isang movie star at diva. Nabubulok na ang katawan niya dahil sa siyensiya kaya kailangan niyang humanap ng kapalit. So ako ‘yung ipinalit, inoperahan nila ako against my will. First time ko baleng gumanap bilang babae, pati na yung makipaghalikan sa kapwa ko lalaki, kay Redmond," kuwento niya.

"Mahirap talaga yung mga eksena bilang babae ako. Actually, sa make-up pa lang ay three hours 'yon, e," patuloy na saad niya.

Ano naman ang ginawa niyang motivation para sa kissing scene?

"Preparation ko bago ang kissing scene? Uminom ako ng wine and vodka, bigay ng line producer naming si Ms. Cherry, pampalakas ng loob. Hindi naman sila nahirapang i-convince ako na gawin yung eksena. Actually, ilang araw bago ang shoot ng eksenang ito, I've been psyching myself up. Pretty cool naman lumabas yung kissing scene, okay naman pala, ganoon pala ‘yon," sabi ni Jao.

"Mga three hours kinunan yung eksena, pero one take lang. Matagal ‘yon at passionate talaga yung halikan namin. Of course, nandoon yung thought that I'm kissing a guy passionately. So, what you do is to motivate yourself that you are kissing a girl. Si Redmond naman, hawig siya ni Shirley Fuentes [former That's Entertainment mainstay], mahaba pa ang buhok niya," nakangiting sabi ni Jao na Fine Arts graduate ng UST.



"Dapat ninyong abangan ang eksena. Sweet, tender, wet, passionate, ganoon ang eksenang ito. And nalaman ko, mas matigas pala ang lips ng lalaki," pabirong hirit pa ng aktor.

"In a way, not bad, he is a good kisser!" natatawang sabi ni Jao. "Kailangan yung eksena, parang nagka-develop-an kami kumbaga. Actually, wala akong gusto sa kanya, pero siya may gusto sa akin. Hindi niya alam na dati akong lalaki na inoperahan para maging babae. Hindi ako bading dito, napilitang maging babae dahil inoperahan ako against my will para ipalit sa katauhan ng isang dating diva at movie star."

Continue reading below ↓

Sinabi pa ng aktor kung ano ang dapat asahan ng manonood sa digital movie na ito na isasali sa international gay digital filmfest.

"It's a breakthrough, it's new, it's different, it's bold. I guess okay ito for everybody. For college students, nandoon yung sex education. Experimental din ito, it's out of the ordinary na plot, e," ani Jao.

Since isa siyang painter, tinanong din ng PEP kay Jao kung sinong tatlong aktres ang gusto niyang ipinta nang naked.

"Wala pa akong artistang na-paint ng nude, pero kung magpe-paint ako, gusto ko siguro sina Nancy [Castiglione] at Joyce Jimenez. Kasi sexy sila, okay yung body form nila, e. Yung pangatlo? Hindi ko pa maisip, e," pagtatapos na ni Jao.

Read Next
Read More Stories About
Jao Mapa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"First time ko baleng gumanap bilang babae, pati na yung makipaghalikan sa kapwa ko lalaki," says Jao Mapa (pictured, right, with William Redmond) about his role in the digital film Xerox Copy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results