Mon claims the car he gave Juliana was a loan, not a gift

Apr 3, 2007
"Utang ito, hindi birthday gift," says Mon Confiado about the Toyota Fortuner that he allegedly gave Juliana Palermo.


"Utang ito, hindi birthday gift," sabi ni Mon Confiado sa sinasabing regalo niyang Toyota Fortuner kay Juliana Palermo.

Noong Linggo, April 1, sa S-Files, hindi nagpang-abot ang dalawang babae na nali-link kay Mon—sina Juliana Palermo at Ynez Veneracion, although pareho silang na-interview ni Pia Guiano. Ang issue, sino ang gumagawa ng gulo kanino.

Ang kuwento ni Ynez, tuluy-tuloy pa rin ang pagti-text ni Juliana kay Mon kahit hiniwalayan na ito ng kaniyang boyfriend. Ynez said this irritates her.

Ang sabi naman ni Juliana, texts between friends lang yun dahil may business naman sila—isang expensive car na sabi niya ay birthday gift sa kaniya ni Mon. Bilang patunay na ito ay regalo, Juliana proceeded to show the receipt of the car, na pangalan niya ang nakalagay.

Nagtawag ng mga press si Mon kaninang tanghali, April 3, sa Max's Roces to air his side.

Ayon kay Mon, hindi regalo ang Toyota Fortuner na ibinigay niya kay Juliana, kung di utang. Isa pa, may pera raw si Juliana sa ipinambili sa kotse , kaya raw this could not be all Mon's money.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Mon, may kotse raw si Juliana, isang Honda Jazz. Pero gusto raw ng sexy actress na bumili ng Fortuner. May extra money naman daw ito na P200,000. With the cash and the rights to the car na binili ni Mon for P600,000, umabot ang pera ni Juliana sa P800,000. Nagpaluwal daw si Mon kay Juliana ng another P800,000 para mabuo ang bayad sa Toyota Fortuner, with the arrangement na babayaran ito ni Juliana kapag nakaluwag na ang aktres.

Ang gustong i-point out ni Mon, hindi raw maaaring ikunsiderang pera niya ang lahat ng ipinambili ng kotse dahil may pera ngang sarili si Juliana at may kotse pang ibinenta.

Hindi rin daw totoong ibinigay ni Mon ang Fortuner noong actual birthday ni Juliana dahil may video files sila to show that no such gift-giving happened during the party. Dagdag pa ni Mon, nitong huling dalawang linggo nga lang daw naibigay ni Juliana ang papers sa kotse niyang Honda Jazz.

Continue reading below ↓

Nag-react din daw ang kapatid ni Mon, si Kai Confiado, na partner ni Mon sa business nila. Sa pagsasalita raw ni Juliana na binigyan ito ng kotse ng kapatid niya, baka naman sila ang pag-initan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Mamahaling regalo raw kasi ang Fortuner at tuloy baka pati raw ang business nila ay masilip.

Nagpatawag si Mon ng mabilisang press con dahil daw hindi niya nagustuhan ang pagmamaganda ni Juliana kay Ynez.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Utang ito, hindi birthday gift," says Mon Confiado about the Toyota Fortuner that he allegedly gave Juliana Palermo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results