Ethel Booba talks about bloody Bora incident last year and the coming wedding

Apr 6, 2007
In this photo taken in Boracay last summer, Ethel Booba and Alex Crisano were seen frolicking and acting oh-so-sweet. But the sweetness wasn't for long. The two later had a full-blown fight that ended at the local police station. Ethel reportedly had a fit of jealousy when she saw Alex flirting with an unidentified woman. Once they got back to Manila, however, the couple were once again a coosome twosome.

Magkasama kami ni Ethel Booba sa isang show sa Mamburao, Occidental Mindoro, sa imbitasyon ni Konsehala Lyn Tria nitong nakaraang linggo. On our way there, habang sakay ng RORO ship ay kinalkal namin sa kanya ang insidenteng bugbugan nila sa Boracay ng kanyang syotang si Alex Crisano, na naging top news noong nakaraang Semana Santa.

Panimulang kuwento ni Ethel, "'Yong lumabas kasi na hindi rin ako nakapag-explain, siya 'yong nagpukpok sa sarili niya. Akala kasi ng mga tao, ako ang may gawa noon, na sobra duguan ang kanyang ulo. Iniisip ng mga tao na ako ang kontrabida, na sa totoo lang, ako talaga ang kontrabida sa aming lovelife pero hindi ko siya pinukpok ng baso."

Si Alex raw mismo ang pumukpok sa ulo niya. Inamin ni Ethel na binato niya ng baso ang syota, pero dumaplis, kaya di ito napuruhan. Napagtanto daw ng basketbolista na talagang sasaktan siya ng syota, kaya ito na mismo ang pumukpok ng bote sa kanyang ulo.

Continue reading below ↓

Dadag pa niya, "Ang lumabas sa TV, nagkahiwalay kami, di ba? Hindi na ipinakita doon na nagkabalikan din kami after two days sa Boracay. Noong nagkabalikan kami sa Boracay, nag-promise na kami sa isa't isa, at sabi ko rin sa kanya, ‘Ikaw pa rin ang pipiliin ko, tatalikuran ko na ang lahat.'"

Ito ang simula ng pananahimik ng komedyana dahil hindi na ito nagpa-interview, mapa-TV man o print. Natapos rin ang kanyang kontrata sa GMA-7, at napaulat noon na hindi ito na-renew dahil sa ginawa nilang gulo ni Alex sa Boracay.

Ipinahayag ng dating co-host ng defunct reality show na Extra Challenge ang kanyang panig. "Puwede pa namang ma-renew 'yon. Mare-renew at mare-renew... Puwede ko namang sabihin sa kanila na wala na kami ni Alex para lang masunod ang gusto nila.

"Para lang ma-renew, na puwede naman ako magpaka-plastik, eh. Kaso, mag-i-end na ang kontrata ko at sumabay ang maraming isyu, hindi ko pala kayang dalhin. Magulo ang showbiz, gan'un ka-grabe, di ba?" sambit niya.

Inamin ng dating co-host na selos ang pinag-ugatan ng malaking kontrobersiya nila sa Boracay at na-realize nito na walang basehan ang mga pagdududa nito sa syota.

U.S. Wedding? Napabalita kamakailan na may plano na raw silang magpakasal ni Alex.

"Oo nga, magpapakasal sana kami sa USA ,pero hindi siya puwedeng lumabas. Hi-nold kami sa Immigration kasi blacklisted siya dahil doon sa isyu niyang Fil-Am. Ito 'yong sa mga basketball player. Di ba kinukuwestiyon ang kanyang citizenship?

"Wala siyang kaso sa America. Di dapat kung may kaso siya doon, di na siya nakapunta dito. Wala siyang asawa doon, dito siya may asawa, isang Pinay. Iba dito, iba doon eh."

Ayon pa rin sa komedyana, galit na galit ang kanyang syota sa pangyayari at nangangailangan ito ng tulong dahil kalaban daw ni Alex ay ang DOH (Department of Health). Matatandaang nagsagawa noon ang DOH ng drug test sa mga PBA (Philippine Basketball Association) cagers at positive ang lumabas sa test results ni Alex.

Continue reading below ↓

"Kasi DOH 'to, eh...Between him and DOH, kasi sila 'yong magbibigay ng clearance kay Alex. Actually, siya ang may pinakamababaw na case sa siyam na basketbolista."

Wowowee hosting offer? Usap-usapan din na gagawin daw siyang Wowowee co-host soon.

Aniya, "Naririnig ko na 'yan noon pa eh. Nagulat din ako at iniisip ko na kagagaling ko lang sa isang malaking resposibilidad sa Extra Challenge, na buong buhay mo ay kailangan mong itaya. Lagi kang may ginagawang delikado, na ako muna 'yong testing bago 'yong mga challenger. Sobrang mahirap 'yon.

"Siyempre nag-isip din ako na kung kukunin nila ako, kaya ko kaya na maaga ako gigising? Kaya nga naglalaro sa isipan ko na hindi ko makakayanan kasi palagi akong puyat. Saka hindi siguro nila ako kailangan sa Wowowee dahil ang lakas-lakas nila."

Isang taon matapos ang kontrobersiya sa Boracay, mas matahimik na ang buhay ni Ethel at mas okay na rin sila ni Alex. Pihadong mas makabuluhan na raw para sa kanya ngayon ang linggong ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In this photo taken in Boracay last summer, Ethel Booba and Alex Crisano were seen frolicking and acting oh-so-sweet. But the sweetness wasn't for long. The two later had a full-blown fight that ended at the local police station. Ethel reportedly had a fit of jealousy when she saw Alex flirting with an unidentified woman. Once they got back to Manila, however, the couple were once again a coosome twosome.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results