Ryza Cenon and Jennylyn Mercado finally end their rift

Apr 8, 2007
"Masarap ang feeling na wala nang taong masama ang loob sa ‘yo at wala ka na ring galit sa taong ito. Sabi ko naman, magkakaayos kami ni Jen sa tamang panahon, hindi yung pipilitin kami. Kaya heto, okay na kami," says Ryza Cenon about her reconciliation with Jennylyn Mercado.

All's well that ends well sa dalawang StarStruck Ultimate Female Survivors na sina Ryza Cenon at Jennylyn Mercado. Tapos na ang naging problema nilang dalawa at mukhang okay na ang lahat sa pagitan nila.

Nagsimula ang issue kina Ryza at Jennylyn nang ma-link si Ryza kay Mark Herras noong sila pa ng huli. Nagselos daw ng husto si Jennylyn at may nasabi raw na hindi maganda ito kay Ryza kaya nagkaroon sila ng matinding gap.

Naganap ang pag-aayos nina Ryza at Jennylyn nang sabay silang mag-guest sa All-Star K nina Allan K at Jaya. Biniro raw silang dalawa ni Allan at doon nagsimula ang pagbabati nila.

"Nagbatian naman kami that night. Hindi lang kami nakapag-usap kasi una akong natanggal sa game kaya umalis na ako. Pero noong mag-recording kami para sa StarStruck Final Judgment, nagbatian kami ulit at bumeso naman ako sa kanya," panimulang kuwento ni Ryza.

"Masarap ang feeling na wala nang taong masama ang loob sa ‘yo at wala ka na ring galit sa taong ito. Sabi ko naman, magkakaayos kami ni Jen sa tamang panahon, hindi yung pipilitin kami. Kaya heto, okay na kami," nakangiti pa niyang sabi.

Continue reading below ↓

Wala pa ring boyfriend si Ryza hanggang ngayon. May mga gusto na raw manligaw sa kanya, pero kaagad daw silang bina-basted ni Ryza. Tuloy, natutukso si Ryza na isang tomboy.

"Ay, hindi naman po ako tomboy!" mariin niyang tanggi. "Hindi naman porke't wala akong boyfriend, tomboy na. Hindi pa lang ako prepared sa ganyan. Gusto ko munang magtrabaho nang maayos. Baka maging problema pa ‘yang mga lalake sa buhay ko."

Inamin ni Ryza na nagsisimula na sanang manligaw sa kanya ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo kaso ay pinatigil niya ito kaagad.

"Sinabi ko naman kay Marky na hindi pa ako handa. Willing naman daw siyang maghintay. Okay naman si Marky, e. Kaso wala pa talaga sa akin ang magkaroon ng boyfriend. May tamang panahon para diyan," paliwanag ni Ryza.

Bukod sa Ay, Robot! sa QTV 11 at SOP sa GMA-7, kasama rin si Ryza sa Fantastic Man bilang isa sa leading ladies ni Mark Herras. Magsisimula na ang Fantastic Man sa April 14 sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Mark?

"Wala naman akong naging problema kay Mark, e," sabi ni Ryza. "Nag-iwasan lang kami noong nagkaroon kami ng issue. Mabait si Mark at na-misinterpret lang ang pagiging close namin noon. Pareho kasi kami ng manager, di ba? Gusto kasi ni ‘Nay Lolit [Solis] ay close kaming mga anak-anakan niya.

"Matagal ko ring hindi nakatrabaho si Mark at natuwa naman ako't isa ako sa leading ladies niya sa Fantastic Man. Sa dami ng mga nali-link kay Mark, siguro naman hindi na ako isasali diyan kasi tapos na akong ma-link sa kanya," ani pa ni Ryza bilang pangwakas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masarap ang feeling na wala nang taong masama ang loob sa ‘yo at wala ka na ring galit sa taong ito. Sabi ko naman, magkakaayos kami ni Jen sa tamang panahon, hindi yung pipilitin kami. Kaya heto, okay na kami," says Ryza Cenon about her reconciliation with Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results