Ynez Veneracion and Juliana Palermo feud is far from over

Apr 8, 2007
"Pagmamalakihan niya ako sa P1.6-M na kotseng hindi pa niya binabayaran kay Mon hanggang ngayon? Sorry, Fortuner ang sasakyan ko! Di hamak na mas mahal sa ipinagmamalaki niyang sasakyan na ang bayad kay Mon hindi pa rin niya nakukumpleto up to now. Anong bigay? Haller!" says Ynez Veneracion (right) about Juliana Palermo.

Last Sunday, April 1, Ynez Veneracion and Juliana Palermo were supposed to have a face-off on S-Files in connection with their rift. Although the two were interviewed live by Pia Guanio, they did not meet face-to-face because Ynez arrived early, while Juliana came in late.

"Hindi ko lang gusto yung pinalabas niya [Juliana] na ako ang natakot sa kanya sa interview," says Ynez. "She very well knew na siya ang nagpasabi na ayaw niyang makaharap ako, but I was willing. In fact, nag-stay pa ako sa dressing room at nakipag-usap pa ako kay Ara Mina and Joey Marquez because I was waiting for my cue na pumasok. But the staff told me na ayaw daw pumayag ni Juliana [na magharap kami]. Sa akin, okay lang."

And what about the guy that's the main cause of Ynez having a rift with Juliana—Ynez's longtime boyfriend Mon Confiado?

Ynez and Mon are still sharing the same abode to date. Mon even called his own press con where he said that Ynez is the woman for him and went as far as comparing Juliana to Ynez, whom he says he is now contemplating on taking to the altar.

Continue reading below ↓

"With Mon's comments at sa bago niyang interviews, I don't know. Eight years kaming magkasama. Ang maipagmamalaki ko lang, never ko siyang pinerahan. Hindi ako gold digger, hindi ako hustler at lalong hindi ako homewrecker!" she stresses.

"Ano ‘yang pinagsasasabi ng Juliana'ng ‘yan sa interview sa kanya na tungkol sa suicidal attempt ko? Ano ba'ng alam niya tungkol dun? Tapos na ‘yon. Natatawa na lang ako sa kanya.

"Ang masasabi ko lang sa kanya, bakit siya ang naduwag at sa gitna ng lahat ng ito, e, bigla siyang lumipad pa-Amerika? Alam niya kung ano ang mga pinaggagawa niya sa akin. Siya itong text nang text kay Mon. Pa-‘I miss you, I miss you' pa at may ‘happy monthsary.' Tapos pati ako tine-text ng hate messages niya.

"Nung time na kami pa ni Mon, marami na ang nagsasabi sa akin na nakikita na silang [Mon and Juliana] magkasama sa 22nd Street [the comedy bar that Mon owns], pati sa bahay ni Mon. Kaya ako naloloka, ngayong nagkabalikan kami ni Mon, nagtataka ako kung bakit ginugulo pa niya kami, e, hindi na nga ako kumibo kahit na nabuking ko na sila noon. Give me a break! Ako ang patahimikin nila. Nung mag-birthday nga ako, alam ko sila pa rin, e. Did I say anything?

"Sa mga interviews ko nga noon, ‘pag tinatanong ako tungkol sa kanila, wini-wish well ko pa sila. Bakit ngayon, react siya nang react? Ako lang ba ang ginawan niya ng ganito? Wala ba siyang record o history na hindi lang ako ang ginanito niya? Nandun ako sa studio ng manager kong si Geleen [Eugenio], may lumapit na lang sa aking babae at sinabing ganoon din daw ang ginawa sa kanya ni Juliana. Isinama nila sa dinner ng boyfriend niya. The next thing she knew, ka-date na pala ito ng boyfriend niya.

"Maniniwala naman ako sa mga sinasabi ni Mon sa pagkumpara niya sa akin sa babaeng ‘yon [Juliana]. Nang magkasakit ang tatay [Angel Confiado] ni Mon at ma-ospital ito, ako ang nataranta at every day akong nasa hospital. Siya, nagawa ba niya ‘yon? Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Mon, hindi ko tinalikuran ang pamilya niya," narrates Ynez.

Continue reading below ↓

"Ang liwanag naman at alam niya [Juliana], kami pa ni Mon nung maging sila. Pero ako, sa ngayon, ang masasabi ko, meron din akong katapusan, saturation point. At kapag nangyari na ‘yon, lalakad pa akong paluhod sa simbahan sa Quiapo para magpasalamat.

"Plano ko na ito para sa sarili ko. For my own good. Sabi ko nga, meron lang dumating sa buhay ko na matino at alam kong mas mamahalin ako kesa ako ang mas magmamahal, kahit talikuran ko ang career ko kung kailangan kong umalis dito, gagawin ko na.

"Ngayon na lang ako nagsasalita ng ganito kasi punumpuno na ako. Sa loob ng five months na yun, wala akong sinabi. Ang problema sa kanila, ginagago pa rin nila ako hanggang ngayon.

"Okay, Juliana has the right to do whatever she wants. Magsalita siya nang magsalita. Gusto mo pa pala si Mon, e, bakit mo siya ginanon? At pagmamalakihan niya ako sa P1.6-M na kotseng hindi pa niya binabayaran kay Mon hanggang ngayon? Sorry, Fortuner ang sasakyan ko! Di hamak na mas mahal sa ipinagmamalaki niyang sasakyan na ang bayad kay Mon hindi pa rin niya nakukumpleto up to now. Anong bigay? Haller!

Continue reading below ↓

"Aminado ako, pagdating sa ganyang bagay, mahina ako. Pero alam kong ngayon, meron na akong lakas ng loob na sabihin ang gusto kong sabihin. Gaya ng sinabi ko, ako rin ang magde-decide where I should head," says Ynez.

There's a new guy that is being linked to Ynez. His name is Austin Cody, an American country singer whose song "Destination You" is currently hitting the airwaves.

According to Ynez, she met Austin when she had a show in Guam. The sexy actress also claims that they are exchanging not just plain good communication but intimate feelings as well. In fact, Ynez says she already went to the US to meet Austin's parents (they are based in Maryland) and the country musician has already offered her to be his lifetime partner.

Gimmick? The photos in Ynez's cellular phone would attest to the happy moments the two have shared in their various meetings.

Continue reading below ↓

"Actually, pangalawa na itong na-meet ko na foreigner," says Ynez. "Yung isa, medyo nawala na dahil nagkabalikan na kami ni Mon. Pero itong huli, alam niya na kami pa rin ni Mon. Pero sabi ni Austin, he's willing to wait. Actually, he wants to pay me a visit kahit two weeks lang daw. Sabi ko, huwag muna. I don't think it's the right time."

Austin is way a lot younger than Ynez. And with Ynez' request, Austin has his own relationship, too.

"Actually, ang sabi niya sa akin, ‘Will you marry me after three years?' Gusto raw niya kasi, if ever, doon na ako sa US with him. And kung pwede rin daw ba na umakyat ako sa stage ‘pag nagpi-perform siya. Well, Mon knows all about him. Hindi ko naman itinago, e. Alam din ni Austin na I am in this rut," says Ynez.

What did Mon say?

"Mas guwapo raw siya!" laughs Ynez. "Ang kapal ng fez, ‘di ba? Sabi ko naman, sila ni Juliana ang magkamukha. Pupunta nga dapat ako ng US, e. Ayusin ko muna itong mga gulo sa amin ni Mon."

Continue reading below ↓

Since she and Mon are still living under one roof, is a possible reconciliation in the offing to seal their on-and-off brutal killing-me-with-kindness kind of a love affair?

"Mahal ko pa pero ayaw ko na. Alam mo yung ganung feeling? I have to move on. And I have to move away sa pace na alam ko," ends Ynez.

Read Next
Read More Stories About
Juliana Palermo, Mon Confiado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pagmamalakihan niya ako sa P1.6-M na kotseng hindi pa niya binabayaran kay Mon hanggang ngayon? Sorry, Fortuner ang sasakyan ko! Di hamak na mas mahal sa ipinagmamalaki niyang sasakyan na ang bayad kay Mon hindi pa rin niya nakukumpleto up to now. Anong bigay? Haller!" says Ynez Veneracion (right) about Juliana Palermo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results