Say Alonzo warns PBB evictee Zeke Dimaguila

Apr 8, 2007
"He'll just have to wait because I'm also frank and I haven't done anything bad against him," says Say Alonzo about Pinoy Big Brother Season 2 evictee Zeke Dimaguila.

Inamin ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Say Alonzo na nasaktan siya nang labis sa binitiwang pahayag ng PBB Season 2's latest evictee na si Ezekiel Joshua "Zeke" Dimaguila na hindi ito nagagandahan sa kanya. Sinabi pa ni Zeke na, "I guess she has to prove herself."

Ayon kay Say (Sherylle Anne Alonzo Yutadco in real life), "He should be thankful because I'm not in Manila right now. He'll just have to wait because I'm also frank and I haven't done anything bad against him," sabi ni Say na nasa Baguio nang lumabas ang isyu sa kanila ni Zeke.

Ang ikinaloka nga ni Say ay hindi lang isang beses kung hindi paulit-ulit na sinabi ng Australian hottie sa iba't ibang programa ng ABS-CBN that he does not think she's pretty. Bagama't nag-apologize din naman si Zeke nang kapanayamin ng The Buzz last April 1, pero pinanindigan pa rin nito ang comment na hindi maganda si Say.

Continue reading below ↓

Matatandaan na si Say ang huling na-evict sa first batch ng PBB housemates. Huli siyang napanood sa fantaserye ng ABS-CBN na Super Inggo.

Samantalang si Zeke na umani ng pagbatikos dahil sa ugali niyang walang pakialam at pagiging ungentleman sa mga babaeng housemates ay na-evict matapos makatanggap ng pinakamababang text votes na umabot lang sa 15.67%.

Si Zeke ay naging kontrobersyal din dahil sa "sunblock incident" kung saan ipinasok ng kasamang housemate na si Dionne ang kamay nito sa loob ng boxer shorts ni Zeke habang pinapahiran siya ng sunblock. Balita nga na hindi nagustuhan ng viewers at maging ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing eksena kaya agad humingi ng paumahin ang PBB Season 2 host na si Toni Gonzaga sa mga kinauukulan.

Samantala, ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa paghaharap nina Say at Zeke kung saan inaasahang tatarayan ng 23-year-old ang kontrobersyal na bagong PBB evictee.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Say Alonzo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"He'll just have to wait because I'm also frank and I haven't done anything bad against him," says Say Alonzo about Pinoy Big Brother Season 2 evictee Zeke Dimaguila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results