Lorna reacts to false text message saying that Rudy already passed away

Apr 10, 2007
"Inamin ko na nga na may sakit ako, na may cancer ako at nagpa-opera ako. Pati pa ba kamatayan ko, aaminin ko pa rin?" Rudy Fernandez (pictured, with wife Lorna Tolentino) was quoted saying.

Nag-react ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino sa napakarami nang text messages na naglalabasan about Daboy's supposed demise.

Hindi natuloy ang planong Hong Kong trip ng pamilya Fernandez noong Holy Week; nag-Tagaytay na nga lang sila. Dapat sana'y doon na sa Hong Kong ipapagamot si Daboy ngunit nagkaroon siya ng lagnat, so minabuti ni Ms. LT na ipasok na lang ang kanyang mister sa Cardinal Santos Hospital.

At press time, wala na raw ang fever ni Daboy, sabi ni Ms. LT sa text niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Although kinakailangan pang tapusin ang IV (intravenous) antibiotics na nakakabit kay Daboy.

Kaninang tanghali, April 10, umikot ang isang text message na pumanaw na raw si Daboy, the heir to the action throne, kung kaya't dumiretso kami via text sa kaniyang asawa asking his condition. Dito nga nasabi ni Ms. LT na wala nang fever si Daboy, although nandoon pa rin sila sa Cardinal Santos.

Continue reading below ↓

Si Ms. LT na mismo ang nagtanong sa amin kung bakit biglaan naming kinumusta ang kaniyang asawa, so we explained to her na may mga text messages na kumakalat.

Sabi ni Ms. LT, Holy Week pa lang daw, nakakatanggap na rin ang iba nilang mga friends about this.

"Last Holy Monday pa 'yan. Every day nila ginagawang patay si Rudy," paliwanag niya.

"Mga tao kung minsan, walang respepto sa kapwa," aniya pa.

We were told by another source, na una naming pinagtanungan about this bago si Ms. LT, na Daboy is taking this lightly.

Daboy was quoted daw saying, "Inamin ko na nga na may sakit ako, na may cancer ako at nagpa-opera ako. Pati pa ba kamatayan ko, aaminin ko pa rin?"

Friends and families are still hoping for the recovery of the beloved action star.

Read Next
Read More Stories About
Lorna Tolentino, Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Inamin ko na nga na may sakit ako, na may cancer ako at nagpa-opera ako. Pati pa ba kamatayan ko, aaminin ko pa rin?" Rudy Fernandez (pictured, with wife Lorna Tolentino) was quoted saying.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results