Lolit Solis suspended by MTRCB for one week

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2007
TV host and talent manager Lolit Solis (in photos) was suspended by MTRCB Chairman Consoliza Laguardia for saying on television what the chairman considers a vulgar word.


Hindi mapapanood sa darating na Sabado sa Startalk ang TV host-talent manager na si Lolit Solis.



One week suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kay Lolit dahil sinabi nito sa ere ang salitang "puwerta" nang magkomento siya tungkol sa nalalapit na pagsisilang ni Julia Clarete.



Pinagsisihan ni Lolit ang kanyang kasalanan at paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin kay MTRCB Chairman Consoliza Laguardia.



Maluwag na tinanggap ni Lolit ang parusa na ipinataw sa kanya ng MTRCB at inamin niya ang kanyang pagkakamali.



Para sa mga pro-Laguardia, ang one-week suspension ni Lolit ay pruweba na walang pinapaboran si Chairman Laguardia at hindi uso sa kanya ang palakasan. Pinapaalala nila na noong nakaraang taon, si Joey de Leon ang pinatawan nito ng parusang suspension dahil sa naughty remarks ng TV host sa Eat Bulaga!.



Incidentally, si Lolit pa ang tumawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) para ibalita ang kanyang suspension at mahigpit ang bilin niya na isulat ang pangyayari para hindi siya pamarisan ng iba.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host and talent manager Lolit Solis (in photos) was suspended by MTRCB Chairman Consoliza Laguardia for saying on television what the chairman considers a vulgar word.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results