Lolit Solis accepts her suspension wholeheartedly

by Dinno Erece
Apr 12, 2007
"Sabi sa akin ni Joey, kung si LT daw or si Butch [Francisco] ang nagsabi ng ‘puwerta,' baka hindi ito mapansin ng MTRCB. Kasi daw ang dating ko palagi, parang bastos," says Manay Lolit Solis.


Isa si Lolit Solis sa PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) members na present during the press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde for senatorial candidate Richard Gomez kagabi, April 11, sa Imperial Palace Suites. Sabi ni Manay Lolit sa kaniyang impromptu speech, ang alaga ni Douglas Quijano ay alaga niya rin since magkasabay ang dalawang managers noon in starting out managing stars. Goma is a talent of PEP blogger Tito Dougs.

In her usual deadpan one-liner note si Manay about her pending one-week suspension sa kaniyang GMA-7 showbiz talk show na Startalk this Saturday. Nasuspinde si Manay Lolit dahil sa pagsasabi niya ng salitang "puwerta" on air.

"In all twelve years of Startalk, never pa akong nawala," sabi ni Manay Lolit. "Kahit nasa abroad ako, nagti-tape ako ng ilang segments para hindi ako mag-absent. Ngayon, talagang hindi ako mapapanood."

Kuwento pa niya, "Tinanong ko si Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertaiment ng GMA-7], paano ang Alok-Bati [her segment in Startalk] ko? Sabi niya puwede ko naman daw gawin, pero nakatalikod ako o kaya si LT [Lorna Tolentino] na lang ang gumawa nun. Sabi ko, ayoko nga. Paano kung magustuhan ng mga nagpapabati si LT kesa ako? Di nawalan pa ako ng raket, 'no!"

Continue reading below ↓

Manay Lolit would also like to make it clear na although ang reprimand was initiated by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ang GMA-7 ang nagdesisyon to act on this. So bale ang GMA-7 ang nag-suspend kay Manay Lolit, which she accepted wholeheartedly naman.

May isang insight lang siyang natutunan sa co-star niya sa Startalk na si Joey de Leon, na minsan na ring na-suspend ng MTRCB.

"Sabi sa akin ni Joey, kung si LT daw or si Butch [Francisco] ang nagsabi ng ‘puwerta,' baka hindi ito mapansin ng MTRCB. Kasi daw ang dating ko palagi, parang bastos. Kahit ‘puwerta' ang sinabi ko, sa iba ang dating parang ‘kepy*s pa rin!'" sabay tawa ni Manay bilang pagtatapos.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi sa akin ni Joey, kung si LT daw or si Butch [Francisco] ang nagsabi ng ‘puwerta,' baka hindi ito mapansin ng MTRCB. Kasi daw ang dating ko palagi, parang bastos," says Manay Lolit Solis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results