Mark Anthony Fernandez asks for continuous prayers for his father

Apr 13, 2007
"Dapat huwag silang huminto sa pagdarasal. Sana ituloy lang nila yung mga prayers nila kasi importante yun, e. Yun ang kailangang-kailangan ngayon ng Daddy ko," says Mark Anthony Fernandez about his father Rudy Fernandez.

Pinasalamatan ni Mark Anthony Fernandez ang mga supporters ng kanyang amang si Rudy Fernandez na patuloy na nagdarasal para sa ikagagaling ng kanyang ama.

"Malaki ang nagagawa nung prayers kaya lumalakas ang loob ng Daddy ko at nai-inspire siya na magpagaling at ipakitang malakas siya. Nakakatuwa nga kasi kahit saan ako magpunta, ang daming bumabati sa akin para sabihin na ipinagdarasal nila ang Dad ko," sabi ni Mark sa panayam ng GMA News.

Dagdag pa ng aktor na lalo silang naging close ng kanyang ama magmula noong matuklasan niya na may cancer ito.

"Lalo kaming naging close. Nagba-bonding kami. Minsan 'pag may trabaho at di ko siya nadadalaw, tinatawagan ko siya. Kahit malayo ako sa kanya, alam niya na ipinagdarasal ko siya. Minsan naman, sasabihin niya 'wag ko na siyang puntahan kasi may sipon siya o ubo. Ako rin, 'pag may sipon, hindi na ako pumupunta sa kanya kasi madali siyang mahawa," kuwento ni Mark.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Mark, okay ang lagay ng kanyang ama ngunit hiniling niya sa publiko na patuloy na ipagdasal ang action star.

"Dapat huwag silang huminto sa pagdarasal. Sana ituloy lang nila yung mga prayers nila kasi importante yun, e. Yun ang kailangang-kailangan ngayon ng Daddy ko," sabi pa ni Mark.

Kasama si Mark sa bagong drama series ng GMA-7 na Impostora at ipinagmalaki niya na pinagbubuti niya nang husto ang kanyang acting para matuwa ang kanyang ama.

"Gusto ko matuwa siya para 'pag nagkita kami, may pag-uusapan kami, di ba? Gusto ko sabihin niya, 'Oy, ang husay mo dun ah!' Gusto kong maging proud siya sa akin," sabi ni Mark.

Samantala, natuwa ang mga tagahanga ni Daboy nang lumabas ang balita na okay na ang aktor at humupa na ang lagnat nito. Marami kasi ang naalarma nang napabalita na nilagnat nang mataas ang action star habang naka-confine sa Cardinal Santos Hospital, para sa kanyang fourth chemotherapy session. Dahil dito, kumalat ang text messages na pumanaw na si Daboy.

Continue reading below ↓

Pero ngayon ay okay na raw ang aktor at posibleng side effects lang ng chemo ang lagnat niya. Nakatakdang lumipad patungong Tokyo, Japan, si Daboy kasama ang asawang si Lorna Tolentino para sumailalim sa RFA o Radio Frequency Ablation.

Ayon sa wikipedia, "Radio Frequency Ablation is used to treat inoperable tumors in the liver and other organs. Energy is applied to the tumor mass through a needle to heat the tissue to a temperature that will result in cell necrosis. Radio frequency energy is also used in liver resection to control bleeding [hemostasis] and facilitate the transection process."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dapat huwag silang huminto sa pagdarasal. Sana ituloy lang nila yung mga prayers nila kasi importante yun, e. Yun ang kailangang-kailangan ngayon ng Daddy ko," says Mark Anthony Fernandez about his father Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results