Rhian personally apologizes to Alessandra

by Dinno Erece
Apr 15, 2007
Alessandra de Rossi and other onlookers claim that Rhian was not joking when the latter said, "Why can't you be professional? I'm working my ass off here." Rhian says she was just joking. Who's telling the truth?

After two pack-ups, natuloy na rin ang taping last Saturday, April 14, ng L.U.V. Pow that stars Yasmien Kurdi, Rhian Ramos, Valerie Concepcion, and Alessandra de Rossi.

Gabi pa lang ng Friday, alam na raw ni Alex (palayaw ni Alessandra) na gusto siyang kausapin ni Rhian sa set. Alam niya rin daw na gusto silang pag-ayusin ng production dahil nga sa nangyari sa kanilang dalawa nung huling taping ng naturang show.

Kuwento ni Alex at ng mga staff, biglang nag-tantrum si Rhian over a blotched dialogue ni Alex, kung saan sinabihan niya si Alex na, "Why can't you be professional? I'm working my ass off here!"

Kuwento ni Rhian, nagbibiro lang daw siya, at ang totooý si Alex daw ang nagsasabi nito the whole day sa ibang katrabaho nila. Ginaya lang daw niya. Nagpa-press con pa ang GMA Artist Center for Rhian para ilabas ang side niya.

Pagkatapos noon, si Rhian ang gumawa ng paraan para magkausap silang dalawa. Hiningi ni Rhian ang number ni Alex sa handler nito at nag-request pa ng dinner na silang dalawa lang. Hindi ito natuloy.

Continue reading below ↓

Sa isang ospital ng Marikina very early in the morning kahapon nagkita ang dalawa.

Ang gusto sana ng production staff, closed door na lang ang mangyayaring usapan ng dalawa. Ngunit ang request ni Alex, since sa harap naman daw ng staff nangyari ang insidente, might as well open sa staff ang usapan nila.

Isa lang ang sinabi ni Alex: "Hindi ako magsasalita, makikinig lang ako."

Saka raw nagsimula nang umiyak si Rhian na kasama ng kaniyang ina at nag-explain at nag-apologize sa nangyari.

Ayon sa mga nakasaksi, ang kuwento ni Alex ang tama. Hindi raw nakikipagbiruan noon si Alex kay Rhian at, isa pa, walang ganung biro na ginawa si Alex sa mga ka-eksena niya.

"Tapos ka na?" tanong ni Alex kay Rhian.

Oo, sabi ni Rhian.

"Thank you," ang isinagot lang ni Alex.

Nagpatuloy ang production ng L.U.V. Pow afterwards.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi and other onlookers claim that Rhian was not joking when the latter said, "Why can't you be professional? I'm working my ass off here." Rhian says she was just joking. Who's telling the truth?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results