Borgy Manotoc's apology not accepted?

Apr 15, 2007
Strike 3 for Borgy Manotoc at the Embassy bar? First, the model-host had a tiff with R&B Prince Jay-R. Next, he figured in a near-brawl incident with cager Bong Alvarez. And recently, he had a fight with the grandson of former DSWD secretary.

Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang nasangkot ang commercial model-TV host na si Borgy Manotoc sa isang gulo sa Embassy bar noong Martes, Abril 10.

Matatandaang lumabas sa balita noon ang naging away nina Borgy at ang R&B singer na si Jay-R. Sinundan ito ng pakikipagtalo ni Borgy sa dating cager na si Paul Alvarez. Parehong naganap ang magkahiwalay na insidente sa Embassy bar, pareho ring may kinalaman diumano ang girlfriend niyang si Ornusa Cadness.

Sa pagkakataong ito, apo naman ng dating secretary ng Department of Social Welfare and Development na si Mita Pardo de Tavera ang nakabangga ni Borgy. Si Carlo Pardo de Tavera Brown ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo, dahilan upang isugod siya sa Makati Medical Center noong gabing naganap ang gulo.

Ayon sa mga naunang balita, nagtanong lang diumano ng oras si Carlo kay Ornusa. Matapos noon ay sinita diumano ni Borgy ang ginawang paglapit ni Carlo sa girlfriend nito. Dito nagsimula ang mainit na diskusyon sa pagitan ng dalawa at nauwi sa bugbugan.

Continue reading below ↓

Unang humarap sa media ang kampo ni Carlo. Nabanggit ng ina ni Carlo na si Mara sa iba't-ibang TV interviews ang kanilang planong pagdedemanda. Subalit kung magbibigay ng isang public apology ang binatang anak ni Ilocos Norte Representative Imee Marcos ay maaring ikunsidera ng pamilya ni Carlo na huwag na lang magsampa ng kaso.

Dalawang araw makalipas ang gulo, nagtungo si Borgy sa Taguig PNP (Philippine National Police) para magpasailalim sa imbestigasyon. Kasabay nito, nagbigay rin siya ng isang public apology.

"I'm sorry that people were hurt by this foolish incident, and I hope that we can all learn from this and hopefully move on," hinging paumanhin ni Borgy.

Subalit hindi tinanggap ng ina ni Carlo ang paumanhin ni Borgy dahil wala raw ginawang direktang pag-amin ang modelo sa umano'y kasalanan nito. Ibang-iba rin ang naging bersiyon ng kuwento ni Borgy.

"I'm sorry, I really can't call that an apology because it was not directed to anybody. That I was the one provoked, and I was the one threatened with a chair? I don't call that an apology," pahayag ni Mara sa taped interview ng Startalk noong Abril 14.

Continue reading below ↓

Isinalaysay rin ni Mara ang mga nakalap nila sa ilang mga nakasaksi ng insidente noong gabing iyon. At taliwas sa mga unang balita, sampu diumano ang nagtulung-tulong para bugbugin ang kanyang anak, "Borgy, DJ Malaya were the two fronting my son. Pagkatapos sa likod ng anak ko, walo, probably mga bodyguards ng mga kaibigan nila. But there were eight of them na nagpupukpok sa ulo ng anak ko at tinitirahan siya ng bladed buckle belt."

Dagdag pa niya, "Doon kay Ornusa na kinausap niya at hindi daw nagustuhan ni Borgy. Ang nangyari pala, kinausap siya [Carlo] ng may-ari ng Embassy na All Cuisine that night, pinainom pa nga siya ng dalawang beer, e.

"Paglabas niya [Carlo], after the two beers, nandoon na si Borgy and DJ Malaya, and nakita niya. Akala niya magha-handshake na lang siya [Carlo] and say, "Look, I meant no harm. I did not know she was your girlfriend." You know, there's no bad feelings.

Continue reading below ↓

"And then, paglapit niya, may tumama na sa ulo niya. Malakas na tama so it dazed him. It must have been the glass of beer bottle or something. And then, once na natamaan na sa ulo, sinuntok siya ni Borgy."

At kalmadong sinabi pa ni Mara na, "I can only say, that there are more stories in the past that can show the track record of Borgy. I don't have to explain any further."

Hindi man niya tinanggap ang pahayag ni Borgy, nakahanda naman si Mara na makipag-usap sa ina ni Borgy na si Imee. Ayon sa kanya, "She's been calling me, asking for a meeting. I have told her that my family, based on the proceedings with Borgy at the PNP [Taguig], they don't want me to speak to her until we speak further with other people. So hopefully we can have a meeting, she as the mother and me as the mother of the victim. Maybe sometime next week, after I've had my family meeting."

Continue reading below ↓

Kaya raw niyang patawarin ang taong nakasakit ng kanyang anak, "Hindi tama 'yong gantihan kasi it goes nowhere, this much a thing of fighting. I think, what's more important is the spirit of peace and forgiveness. But forgiveness does not mean letting somebody off lightly without learning a lesson.

"There has to be learned a lesson by Borgy, DJ Malaya, their bodyguards, and even the girlfriend Ornusa because she must have instigated, you know, something to create this."

Read Next
Read More Stories About
Imee Marcos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Strike 3 for Borgy Manotoc at the Embassy bar? First, the model-host had a tiff with R&B Prince Jay-R. Next, he figured in a near-brawl incident with cager Bong Alvarez. And recently, he had a fight with the grandson of former DSWD secretary.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results