Jomari Yllana admits he hasn't visited his son lately

Apr 15, 2007
"Ako po'y nagpapakumbabang tinatanggap 'yon. Pero hindi ho nangangahulugan 'yon na wala akong pakialam sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko, nag-iisa lang ang anak ko," says Jomari Yllana.


Hindi ikinaila ng aktor na si Jomari Yllana na mayroong mga araw na hindi niya nadadalaw ang kanyang anak kay Aiko Melendez na si Andrei.

Matatandaan na nang mag-guest ang mag-asawang sina Aiko at Martin Jickain kasama si Andrei sa morning talkshow ni Boy Abunda sa ABS-CBN na Homeboy ay hindi naiwasan ni Aiko na ipahayag ang pangungulila ni Andrei sa kanyang tunay na ama.

Ang paliwanag naman ni Jomari na ipinalabas sa Startalk noong April 14, "Itong mga nakaraang buwan, may mga weekends na hindi ko po nadalaw ang anak ko, inaamin ko po 'yon. Pero hindi po nangangahulugang 'yon na parang hindi ko na po siya dinalaw. Ako po'y dumadalaw pa rin sa anak ko, at madalas ko pa rin siyang nakakausap."

Dagdag pa niya, "Di naman nating maiiwasan na ang magulang ng anak ko ay, siyempre, nag-aalala kasi may mga araw talaga na hahanapin at hahanapin ako ng anak ko. Ako po'y nagpapakumbabang tinatanggap 'yon. Pero hindi ho nangangahulugan 'yon na wala akong pakialam sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko, nag-iisa lang ang anak ko."

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, sa hiwalay na panayam ng Startalk kay Martin, naipahayag din ng stepfather ni Andrei at pangalawang asawa ni Aiko ang kanyang saloobin tungkol sa paminsan-minsang pagkalimot ni Jomari na dalawin ang anak.

"Actually, dumarating sa point na—not naman naiinis—pero naaawa ako doon sa bata. Sinasabi niya sa akin, ito 'yong di ko makakalimutan... Every Sunday kasi lumalabas kaming family, ang sabi niya, ‘Mommy I can't come because Dada [Jomari] will pick me up.' So yong bata, parang naghihintay buong araw. Naaawa ako, 'tapos 'yong bata nagbihis pa talaga. Alam mo 'yon, parang napi-feel ng bata na gustung-gusto niya talagang makita 'yong tunay niyang tatay?" kuwento ni Martin.

Pilit na lamang daw nilang iniintindi ng mag-asawang Jickain ang sitwasyon. "Siguro naman si Jom, he's trying he's best naman. Siguro lately baka busy, kami na lang ang umiintindi," sabi pa ni Martin.

Dagdag pa ni Martin, "Actually, si Andrei naman, anytime pwede niyang [Jomari] sunduin, pwede niyang makita. Wala namang problem between them, I don't think so."

Samantala, hindi man tuwirang sinabi, nagpahayag naman ng pasasalamat si Jomari sa pag-aaruga ni Martin sa kanyang anak.

"Wala akong ibang masasabi kundi ang magpasalamat. Kasi kung meron mang taong talagang nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa anak ko, kung ‘yong taong ‘yon ay lumalabas na ganoon, ay mamahalin ko rin siya at rerespetuhin nang buong-buo," pagtatapos na winika ni Jomari.

Read Next
Read More Stories About
Jomari Yllana, Aiko Melendez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako po'y nagpapakumbabang tinatanggap 'yon. Pero hindi ho nangangahulugan 'yon na wala akong pakialam sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko, nag-iisa lang ang anak ko," says Jomari Yllana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results