Rudy Fernandez on false text messages: "Hindi ko iniintindi, natatawa na lang ako."

Apr 15, 2007
It was last year when Rudy Fernandez underwent a medical operation. In March 2007, reports about the health problems of the Action Prince— particularly his recurring ampullary cancer—surfaced. A month after, text messages about his supposed demise began to circulate.

Umalma ang ilang mga malalapit na kaibigan ni Rudy Fernandez sa mga text messages na kumalat kamakailan na nagsasabing pumanaw na ang aktor dahil sa sakit nitong ampullary cancer.

Isa sa mga nadismaya sa maling balitang kumalat sa text ay si Senator Bong Revilla. Sa Startalk noong Abril 14, sinabi niya, "Grabe talaga 'yong tsismis, o. Sabi ko nga, e, lalo lang hahaba ang buhay niya diyan. Anyway, 'yong mga gumagawa niyan, sila 'yong makakarma, e. Pero si Daboy, hahaba pa lalo ang buhay niya."

Nagbigay rin ng pahayag si Philip Salvador, "Alam mo, mayroong mga taong akala nila nakakatuwa ang mga ginagawa nila. Hindi nila alam na 'yong mga ginagawa nila, pwedeng bumalik sa kanila."

Dagdag pa ni Ipe, "You know, buhay na buhay 'yong tao. Huwag ho kayong naniniwala sa nagkakalat na namatay na raw ho si Rudy Fernandez. Buhay na buhay ho, araw-araw ko hong nakikita. Mapatawad sana kayo ng Diyos sa ginagawa ninyo."

Continue reading below ↓

At kung tatanungin ang reaksiyon ni Rudy Fernandez, ang napapabalitang namatay na, pinagtatawanan na lang daw niya ang mga bumabalita sa text. "Hindi ko na iniiintindi. Natatawa na lang ako. Wala, nakakatawa naman, e, ‘di ba? Namatay na daw ako, e, buhay na buhay ako. Pero wala, palagay ko, hahaba lalo ang buhay ko dahil sa mga ganyang balita," pahayag ng aktor na si Rudy Fernandez sa phone interview sa kanya ng Startalk.

Dagdag pa ni Daboy, mas kilalang pangalan ng Action Prince, "Nakakatuwa naman din in a way, dahil sa kung minsan, may kaibigan ako na tatawag, umiiyak—‘Namatay ka na?' Nararamdaman na totoong mahal ka ng mga kaibigan, ng mga taong concerned sa 'yo."

Samantala, heto naman ang pahayag ng maybahay ni Daboy na si Lorna Tolentino. "Noong nagkasakit si Rudy at na-operahan, kumbaga sinabi namin, which is yun din ang sinasabi ni Rudy. Noong bumalik ang cancer niya, ipinaalam din namin. So bakit kailangan ilihim kung mayroon mang nangyayaring masama?

Continue reading below ↓

"Open naman kami about it. Mas gusto nga namin na marami ang nakakapagbigay ng love, concern, and prayers nila para sa aming pamilya," sambit ng aktres.

Bilang pagtatapos, nanawagan si Rudy na hayaan na lamang ang anumang maling balita na maaring lumabas pa. "Huwag na lang natin pansinin 'yong mga nagbabalita na patay na ako. Ang importante, buhay na buhay at hindi po ako naghihingalo, malakas na malakas na ulit," masayang pahayag ni Daboy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It was last year when Rudy Fernandez underwent a medical operation. In March 2007, reports about the health problems of the Action Prince— particularly his recurring ampullary cancer—surfaced. A month after, text messages about his supposed demise began to circulate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results