Jolina on Judy Ann: "Forever friends talaga kami."

by Nora Calderon
Apr 16, 2007
Friends and rivals Judy Ann Santos (left) and Jolina Magdangal star in their first feature film together, Ouija, under GMA Films and Viva Films.

Sabay na dumating sina Jolina Magdangal at Judy Ann Santos sa last shooting day nila ng Ouija, na co-production venture ng GMA Films at Viva Films, sa 17th Floor ng GMA Network Center last Saturday, April 14.

Masaya si Jolina at natuloy na rin ang pagsasama nila sa isang movie ni Judy Ann. Matatandaang nagkasama na rin sila noon sa Gimik The Movie ng Star Cinema, pero guest lang noon si Juday. Bale ang Ouija ang first full-length feature film nila together.

"Yes po, at first horror movie din namin ni Juday," nakangiting pahayag ni Jolina. "Pero parang hindi horror movie yung ginawa namin. Wala kasi kaming ginawa ni Juday kundi magtawanan at magtsikahan. Masaya sa set, kain kami nang kain dahil ang hilig magdala ng mga healthy foods ni Juday; ako naman, mga sitsirya lagi ang dala ko; si Iza [Calzado] naman, fruits lagi ang dala niya.

"Bonding kami palagi kahit saan kami pumunta. Tulad doon sa ancestral home na ginamit namin sa Pililia, Rizal, magkasama kaming natutulog sa isang kama. Ilang araw din kasi kami doon," kuwento pa ni Jolina.

Continue reading below ↓

Sa tagal nilang naghintay na magkasama sa pelikula ni Juday ay isang horror movie ang ginawa nila?

"Nang mabasa kasi namin ang script, sabi namin, iba naman ito," sagot ni Jolens. "Lagi na kaming nagpapaiyak, nagpapakilig sa mga fans, i-try naman naming manakot. Sa story conference pa lang, sinabi na nila kung ano ang gagawin, at naroon na rin yung sabi nila na huwag kaming mag-worry dahil habang ginagawa namin ang movie, lalo na yung mga delikadong eksena na gagamit kami ng Ouija board, may mga prayer warriors naman na magdadasal para sa aming kaligtasan.

"Kami naman ni Juday, pareho kaming hindi naniniwala, malakas ang faith namin kay Lord na hindi Niya kami pababayaan. Saka inisip namin na props lang ang Ouija board na gamit namin saka hindi namin ito hinahawakan. At sa saya namin sa set, hindi makakalapit kung totoo mang may bad spirit doon."

Ipinagpasalamat daw nila ni Juday na natuloy rin ang project.

Continue reading below ↓

"Kapag magkasama kami, hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa project. Baka kasi may gumawa pa ng paraan para hindi matuloy ang project. At natuwa kami nang sabihin sa aming tuloy na nga ang pagsasama namin sa movie," kuwento pa ni Jolina.



Biro nga ni Juday, natuloy na raw siguro ang project dahil nag-mature na ang kani-kanilang managers ni Jolens, sina Alfie Lorenzo at ang Daddy Jun ni Jolens. So, ibig bang sabihin nito ay mawawala na ang issue na may tampuhan sila ni Juday kaya hindi matuluy-tuloy ang paggawa nila ng movie?

"Naku, wala po kaming naging tampuhan ni Juday," diin ni Jolina. "Kung nagkakaroon man ng issues mula sa ibang tao, sila na lang ang gumagawa noon. Kami ni Juday, forever friends talaga kami. Basta po may kailangan si Juday na makakatulong ako, nandun ako lagi sa kanya.

"Si Juday din ang taga-update ko ng mga latest pictures and games sa computer, ang dami niyang games. Basta may chance kaming lumabas, sama-sama kami palagi, with Ryan and Bebong," pagtatapos na Jolina.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Friends and rivals Judy Ann Santos (left) and Jolina Magdangal star in their first feature film together, Ouija, under GMA Films and Viva Films.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results