Jopay Paguia and Joshua Zamora reveal their two-year relationship

by Dinno Erece Nerisa Almo
Apr 15, 2007
"Mahirap naman magsalita nang hindi tapos. Kumbaga sa amin, nag-e-enjoy kami, mas gusto naming unahin din 'yong mga careers namin," says Joshua Zamora (not pictured) about his relationship with Jopay Paguia.


Magtu-two years nang mag-on sina Joshua Zamora ng Maneouvres at Jopay Paguia ng SexBomb.

Sa Startalk last Saturday, hayagang tinanong ni Joey de Leon sina Joshua at Jopay kung sila na ba. Prior to this, may ipapakita sanang clip ang Saturday showbiz talk show ng GMA-7 kung saan holding hands daw ang dalawa sa Puerto Galera last Holy Week. Umamin na rin ang dalawa bago pa man maipakita ang clip. Pero hindi raw totoo though na more than three years na sila.

"Well, sa mundo ng showbiz kasi may mga bagay na kailangan na lang natin itago para sa proteksyon ng mga tao din. Pero later on, darating 'yong time na 'yon nga, kailangan na sabihin lang natin din para maklaro lang lahat," paliwanag ni Joshua kung bakit tumagal pa ang pagtatago ng kanilang relasyon.

Isa sa mga dahilan diumano kung bakit nila nagustuhan ang isa't isa ay dahil sa kanilang pag-uugali. Kung si Jopay ay mabait at sweet, si Joshua naman daw ay malawak ang pang-unawa para sa pagiging pasaway diumano ng SexBomb dancer.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi masabi nina Jopay at Joshua kung hanggan saan patungo ang kanilang relasyon. Para kay Joshua, "Mahirap naman magsalita nang hindi tapos. Kumbaga sa amin, nag-e-enjoy kami, mas gusto naming unahin din 'yong mga careers namin."

Una silang nagkasama sa season seven ng Daisy Siete, ang afternoon soap ng SexBomb. At that time, hindi pa sila dahil nagsimula lang manligaw si Joshua kay Jopay pagkatapos ng serye nila. That was 2005.

Nagkasama muli ang dalawa sa season 10 and although sila na that time, hindi naman sila ang magka-partner, at may pagka-kontrabida si Joshua dito.

Tanggap ni Jopay si Joshua.

Joshua is on the process of having his marriage with his first wife annulled. May dalawa silang anak, parehong lalaki, ages 14 and 7. Ang panganay na anak ni Joshua, si Jobs Zamora, nasa ABS-CBN na at ginu-groom na rin for Star Magic's next stable of stars.

Nilinaw ni Joshua na hindi si Jopay ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang dating karelasyon. Aniya, "Matagal na ring on the rocks ‘yong marriage ko, pero hindi dumating ‘yong time na dahil sa kanya nasira kami."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jopay Paguia, Joshua Zamora
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mahirap naman magsalita nang hindi tapos. Kumbaga sa amin, nag-e-enjoy kami, mas gusto naming unahin din 'yong mga careers namin," says Joshua Zamora (not pictured) about his relationship with Jopay Paguia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results