Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Gelli de Belen reveals the "history" of her Louis Vuitton bag

Apr 16, 2007
Singer-actor Ariel Rivera was first ignored by the salesclerks at a Louis Vuitton shop in Milan, Italy. If not for the prodding of a Pinay concert producer, he would have left the store empty-handed.


Ang magandang Louis Vuitton bag ni Gelli de Belen ang unang napansin ng talent manager-TV host na si Lolit Solis nang magkita sila sa press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para sa senatorial candidate na si Richard Gomez.



Hindi naging maramot si Gelli dahil ikinuwento nito kay Lolit ang "history" ng LV bag niya na regalo sa kaniya ng asawang si Ariel Rivera. Binili ni Ariel ang bag sa Milan, Italy, pero may kuwento sa likod ng mamahaling bag.



Pumunta si Ariel sa LV shop sa Milan para ibili ng bag si Gelli, pero nakaramdam ng disappointment ang singer-actor dahil hindi siya pinansin ng mga salesclerks.



Malungkot na lumabas ng shop si Ariel at napansin ito ng Filipina concert producer na nag-imbita sa kanya na mag-perform para sa Filipino community sa Italy. Sinabi ni Ariel ang nangyari kaya dali-dali siyang hinatak pabalik ng producer sa loob ng LV shop.

Continue reading below ↓

Sinumbatan ng Filipina ang staff ng LV shop na dapat nilang asikasuhin si Ariel dahil sikat na celebrity ito sa Pilipinas, at kayang-kaya niyang bumili kahit ilang bags ng Louis Vuitton. Napahiya ang mga salesclerks at biglang binigyan ng special treatment si Ariel na binili ang isa sa pinakamahal na LV bag para sa kaniyang asawa.



May similar experience si Isabel Oli sa isang high-end shop sa Greenbelt, Makati City.



Nagpunta si Isabel sa shop na aming tinutukoy para tumingin ng bag, pero tila hindi siya nakilala ng mga salesclerk kaya hindi nila inasikaso ang aktres. Nasaktan si Isabel sa naging trato ng staff kaya binanggit niya ito sa kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis.



Kinabukasan, muling bumalik si Isabel sa shop at kasama na niya si Paolo. Kalabisan na kung isusulat pa namin ang pangangaral ni Paolo sa mga salesclerks na namimili ng mga customer na aasikasuhin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Ariel Rivera was first ignored by the salesclerks at a Louis Vuitton shop in Milan, Italy. If not for the prodding of a Pinay concert producer, he would have left the store empty-handed.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results