Judy Ann Santos will move to GMA-7 "if the price is right"

Apr 18, 2007
Rumor has it that young superstar Judy Ann Santos is finally switching channels, from ABS-CBN to GMA-7, especially now that Juday has just finished a movie for the Kapuso Network's film outfit. Aside from that, Juday is also set to celebrate her birthday on SOP, the Sunday musical variety show of GMA-7. So is Juday going to be a Kapuso soon?

"If the price is right," ang sagot ng talent manager-entertainment columnist na si Alfie Lorenzo kung lilipat nga ba sa GMA-7 ang kaniyang alagang si Judy Ann Santos.

Ilang beses nang naitanong kay Juday kung may katotohanang lilipat siya sa GMA-7 from ABS-CBN. Kahit ang ina niyang si Carol Santos kapag tinatanong kung totoo ito, patawang sinasagot ng ina ni Juday na malapit na raw.

Kung si Juday ang tatanungin, palagi niyang sinasabi na may contract pa siya sa ABS-CBN so she'd rather not talk about it. Nagte-taping na siya ng next soap niya for the Kapamilya Network, ang Ysabella, ka-partner ang kaniyang real-life boyfriend na si Ryan Agoncillo.

Lumutang muli ang balita na magiging Kapuso na si Juday sa paggawa ng young actress ng kaniyang first movie for GMA Films, ang Ouija, co-starring Jolina Magdangal, Rhian Ramos, and Iza Calzado sa direction ni Topel Lee. As part of the promotion for the movie, sa SOP magbi-birthday celebration si Juday on May 6. (Juday turns 29 years old on May 11.)

Continue reading below ↓

Balitang may gagawin ding special birthday presentation ang ABS-CBN for Juday. Pero paliwanag ng young superstar tungkol sa SOP birthday special niya, hindi naman daw ito siguro masama dahil she was once a co-host of the said GMA-7 musical variety show.

Nang si Ka Alfie naman ang nakausap namin during the press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde for senatorial candidate Manny Villar kagabi, April 17, simple lang ang sinagot niya: "If the price is right."

Matagal na raw "kinakawawa" si Juday sa ABS-CBN, according to Ka Alfie in terms of projects and promotion. And he doesn't mind as long as nandiyan pa rin ang mga fans na tunay na sumusuporta kay Juday in any endeavor she does.

Kahit nga raw ang pagtanggap niya sa Ouija, kung saankasama ni Juday si Jolina, ay bunsod daw ng isang napakatagal nang pending project na ipinapangako kay Juday ng Star Cinema—a movie with Claudine Barretto naman.

Back in the days na magkakasama pa ang tatlo sa bakuran ng ABS-CBN, sina Juday, Claudine, at Jolens ang tinatayang mga heiresses to the throne of movie queens.

Event sana ang pagsasama nina Juday at Claudine in one movie, the same way na isa ring event ang pagsasama ngayon nina Juday at Jolens sa Ouija.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumor has it that young superstar Judy Ann Santos is finally switching channels, from ABS-CBN to GMA-7, especially now that Juday has just finished a movie for the Kapuso Network's film outfit. Aside from that, Juday is also set to celebrate her birthday on SOP, the Sunday musical variety show of GMA-7. So is Juday going to be a Kapuso soon?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results