Celia Rodriguez strikes again!

IMAGE 0


"Que horror, ang mga artista ngayon ay walang sinabi sa mga lumang artista noon pagdating sa professionalism, at isa na roon ang pagiging ayos at galaw artista talaga. Sad to say, no comparison!" says Ms. Celia Rodriguez.


Karakter na karakter pa rin ang pagiging mataray ni Celia Rodriguez. Although she doesn't want to be called mataray, for she considers herself an angel especially to those who really know her, "That's the image showbiz gave me, kaya sige," sabi nito.

Cosidered as one of the showbiz icons in terms of fashion and being so brutally frank, Manay Celia, as she is fondly called, still charms the young viewers with her straightforward remarks.

Talagang tamaan na ang tamaan kumbaga. Nang itanong sa kaniya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino sa palagay niya ang mga best-dressed celebrities, she mentioned none.

"Wala. Sa lahat ng mga artistang nakikita ko at nakakatrabaho, wala kang matatawag na fashionista or simply they do not understand what the word means. Que horror, ang mga artista ngayon ay walang sinabi sa mga lumang artista noon pagdating sa professionalism, at isa na roon ang pagiging ayos at galaw artista talaga. Sad to say, no comparison!" ang mataray pang pahayag ng award-winning character actress na mas kilala bilang original na Valentina sa Darna movies.

Muling ibinalik ng PEP ang isyu ng kaniyang pagtataray during last December's Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night kung saan nagpahayag ito ng maaanghang na salita laban sa ilang entries na sa tingin niya ay pinaboran ng organizers ng MMFF. Kasama si Celia sa isa sa mga entries noon na Ligalig.

"This is the first time that I will speak about that," aniya. "Nakita mismo ng dalawang mata ko ang mga pag-aligaga ng ilang tao na para bang natataranta sila sa kung anuman. I don't need to explain it pero, yes, may dayaang nagaganap then.

"Sa tagal ko na sa industriya at sa dami na ng mga awards ceremonies na napuntahan ko, alam ko kung ano ang dayaan sa hindi. Kaya nga, I advise Chairman [Bayani] Fernando to just concentrate on his work as an effective MMDA [Metro Mnaila Development Authority] Chairman. Leave the job to the showbiz people. You are such a good leader and I have high regard on you, but please, please, lubayan na ang pagsali ng pulitika sa showbiz! Wala kayong mga karapatan!" ang kuwentong payo ng beteranang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Ms. Celia sa bagong sitcom ng GMA-7 na Who's Your Daddy Now?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN