Piolo Pascual carefully chooses whom to endorse in the elections

Apr 21, 2007
"Nakakatukso talaga, pero umiral talaga yung conviction ko on believing in the person first," says Piolo Pascual about endorsing political candidates.

Hindi raw talaga magagawang basta mag-endorse ng matinee idol na si Piolo Pascual sa mga tumatakbong kandidato para sa May 14 elections, for the simple reason that he has to know the person he endorses.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam ang aktor kahapon, April 20, sa press con niya para sa Walang Kapalit, ang bagong teleserye with Claudine Barretto na ipapalabas na sa Lunes, April 23, sa ABS-CBN.

Kinumpirma ni Piolo na marami ang lumapit sa kaniyang mga kandidato para iendorso nito. Pero matapos niyang makita ang profile ng mga ito, marespeto niya itong tinanggihan.

"I almost grabbed their offers," pag-amin ni Piolo. "Nakakatukso talaga, pero umiral talaga yung conviction ko on believing in the person first. The only time I did that was when Bro. Eddie [Villanueva] ran, and I will probably be doing it again this time for Marjorie [Barretto, Claudine's older sister]."

Continue reading below ↓

Dahil isa siya sa mga humimok kay Marjorie at naipangako niya ritong ikakampanya niya ito should she decide to run, "I will simply stand by that promise," ani Piolo.

"Besides, I truly believe in her as a person who can do well in public service," dagdag pa ng aktor tungkol kay Marjorie, na tumatakbong konsehal sa Caloocan City.

Kaibigang matalik ng aktor sina Marjorie dahil, bukod kay Claudine na malapit sa kaniya pagkatapos nilang magsama sa ilang projects (gaya ng Milan), ay mga kasamahan pa niya ang magkapatid sa kanilang church kaya't mas madalas silang nagkakasama at nagkakausap.

Nang tinanong si Piolo kung tutulungan din niya ang matalik na kaibigang si Yul Servo na tumatakbo naman bilang Konsehal sa Manila, sabi niya ay, "Oo naman." Pero hindi siya nangako kay Yul na masasamahan niya ito sa pag-ikot-ikot sa kampanya.

"There are other ways to do it at maayos na kaming nag-usap kung paano ko siya mabibigyan ng tulong," tugon pa nito.

Ayon kay Piolo, hindi raw nila bibigyan ng pagkakataon na paglaruan sila ng media o ng mga taong walang magawa kundi intrigahin ang kanilang pagiging magkaibigan. Kaya't bukod sa dasal ay suportang moral at marahil mga kailangan sa kampanya ang ibibigay ni Piolo sa kaibigan.

"What about Mayor Vilma Santos?" tanong ng PEP uli dahil bukod sa paboritong aktres ni Piolo si Vilma na tumatakbo for governor sa Batangas, ay itinuturing din niya itong nanay-nanayan sa showbiz pagkatapos nilang magkasama sa pelikulang Dekada '70.

"Of course I will support her kung hihingin niya. But does she need it?" ang nakangiting sagot pa ni Piolo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakatukso talaga, pero umiral talaga yung conviction ko on believing in the person first," says Piolo Pascual about endorsing political candidates.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results