Sandara Park's father arrested for estafa

Apr 22, 2007
Korean young actress Sandara Park's (in photo) father was reportedly arrested last Friday for estafa. Iksu Park failed to post a P40,000 bail because he was arrested on a weekend.

Ayaw mag-comment ni Sandara Park sa isyu ng pagkahuli ng kaniyang ama noong Biyernes ng gabi.

Tanghali ng Sabado, Abril 21, kumalat na sa text message ang balitang nahuli at nakulong ang ama ni Sandara, si Iksu Park, bandang 11 ng gabi noong April 20. Sa isang Korean-owned and operated hotel, ang Networld Hotel sa may Roxas Boulevard (and not sa New World Hotel sa Makati as reported by some tabloids) nahuli si Iksu sa bisa ng warrant of arrest na isinampa ng isang Anthony Sy y Te for estafa.

Ayon sa reklamo ni Anthony, may utang daw na P390,000 ang ama ni Sandara sa kaniya noon pang March 2005 kung kaya't sinampahan ito ng Anti-bouncing Cheque Law. Kasalukuyang nakapiit si Iksu at kinakailangang magbayad ng P40,000 bail. Dahil gabi ng Biyernes nahuli ang ama ni Sandara, Lunes na ito makakapagbayad ng piyansiya dahil walang bail-bond officer ng weekend.

Ayaw magbigay ng comment ni Sandara sa nangyari sa ama nang nag-request ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng interview sa kaniya through ABS-CBN Star Magic kung saan siya nakakontrata.

Continue reading below ↓

Sandara placed second noon kay Hero Angeles sa kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Samantala, nakasagap din kami ng balita na may limang araw na raw na hindi nag-uusap sina Sandara at Joseph Bitangcol, her boyfriend of more than two years, due to a petty quarrel.

Malamang na ang pinakabagong problema sa kaniyang ama ang magtulak sa dalawa na makapag-usap muli at maayos ang mas maliit nilang problema. Ang ama ni Sandara ay matagal nang napapabalitang nakalustay sa ipon ni Sandara dahil sa pagsusugal.

Read Next
Read More Stories About
Sandara Park, Joseph Bitangcol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean young actress Sandara Park's (in photo) father was reportedly arrested last Friday for estafa. Iksu Park failed to post a P40,000 bail because he was arrested on a weekend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results