Susan on Sharon and Vilma: "I cannot claim them as my friends."

by Nerisa Almo
Apr 23, 2007
"I respect them as great performers. Hindi ko naman sila gaanong kakilala," says Susan Roces (middle) about Sharon Cuneta (left) and Vilma Santos (right).

Marami-rami na rin ang ini-endorso ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces na mga pulitikong tatakbo ngayong eleksiyon. Karamihan sa kanila ay nasa oposisyon. Sa katunayan, inihayag niya sa publiko ang pagsuporta niya sa isa sa mga artistang tatakbo bilang senador, si Richard Gomez.

Maituturing na malapit kay Susan si Richard dahil sa todong suporta ng huli sa asawa ni Susan, ang yumaong si Fernando Poe, Jr., nang tumakbo ito bilang presidente noong 2004 presidential election.

Hindi tuloy maiwasan ng ilan na itanong kung susuportahan din ba niya ang kampanya ng Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang gobernador ng Batangas at ang asawa ni Megastar Sharon Cuneta na si Francis "Kiko" Pangilinan na tatakbong muli for senator.

Ang sagot naman ni Susan, "I respect them as great performers. Hindi ko naman sila gaanong kakilala. I did one movie with Sharon. I don't think I have done one with Vilma. So I cannot claim them as my friends."

Continue reading below ↓

Matatandaang napabalita noon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) , na nag-walk out diumano ang grupo ni Susan sa birthday celebration ni Rudy Fernandez noong dumating ang Megastar at asawang si Kiko.

Samantala, may pasaring na pahayag din si Susan sa mga sinasabing kaibigan niya sa showbiz. Sinabi ng aktres sa isang taped interview ng Startalk noong Abril 21: "Ang importante sa akin, anong klaseng kaibigan sila. Totoo may mga kaibigan, mga fair-weathered friends. At hindi ko na kailangan banggitin 'yan. Kung sila ay nanonood, alam na ninyo kung sino kayo. So mga ganoong klaseng kaibigan, no love lost."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I respect them as great performers. Hindi ko naman sila gaanong kakilala," says Susan Roces (middle) about Sharon Cuneta (left) and Vilma Santos (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results