Mark Herras not comfortable working with lovers Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

by Nerisa Almo
Apr 22, 2007
Mark Herras (left) declines a movie project with his ex-girlfriend Jennylyn Mercado (center) and her current boyfriend Patrick Garcia (right). He explains, "Actually, ako, never naman akong tumanggi sa trabaho. Kahit anong role, kahit maliit lang ang role, tanggap lang ako nang tanggap. Ano lang talaga, siyempre maiilang lang ako."

Hindi na nagdalawang-isip si Mark Herras na tanggihan ang ino-offer sa kanya sa gagawing remake ng Tiyanak. Napagplanuhan ng Regal Films, ang production outfit na gagawa ng nasabing pelikula, na pagsamahin sina Mark, Jennylyn Mercado, at Patrick Garcia.

Ayon sa binatang aktor, bukod sa marami na siyang ginagawa, naiilang din siya na makatrabaho sa isang pelikula ang dating girlfriend na si Jennylyn at ang kasalukuyan nitong boyfriend na si Patrick.

"Actually, ako, never naman akong tumanggi sa trabaho. Kahit anong role, kahit maliit lang ang role, tanggap lang ako nang tanggap. Ano lang talaga, siyempre maiilang lang ako," paliwanag ni Mark sa taped interview ng Startalk noong Abril 21.

Samantala, ayon naman kay Jennylyn, walang magiging problema kung gagawin nilang tatlo ang nasabing pelikula basta't maging propesyonal lamang sila. Aniya, "Si Mark naman kasi mabait naman siya, e. So, basically, ano lang naman, e, aarte ka lang and professional naman si Mark, so walang personalan, trabaho lang talaga."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng dalagang aktres, naranasan na rin naman niya ang pagkailang sa ilang pelikulang nagawa na niya. Kwento ni Jennylyn, "Parang nangyari na 'yon sa akin dati. Ako naman 'yong [hindi] at ease pero ginawa ko pa rin kasi alam ko rin na trabaho lang.

"Marami akong nagawa na ganoon, ha? 'Yong mga pelikula or taping na hindi ako kumportable dahil merong, alam kong niligawan niya [Mark] ito, alam kong merong nangyari sa kanila."

Bagama't tinanggihan ni Mark, pilit pa rin siyang isinama sa magiging cast ng binabalak na pelikula ng Regal Films. At ayon sa pinakahuling report, nang magkaroon ng story conference para sa pelikula, napagdesisyunan na palitan si Patrick ni JC de Vera.

Positibo namang tinanggap ito ni Mark. Aniya, "Nakailang movies na rin kami ni Jenn, nakailang solo na rin kami, wala namang sumemplang sa mga movies na nagawa namin. So, sana wala pa ring problema."

Continue reading below ↓

At ang pangako ni Mark, "Gagawin naman naming lahat ng makakaya namin, di ba, para mapaganda 'yong movie if ever na ako man 'yong gagawa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras (left) declines a movie project with his ex-girlfriend Jennylyn Mercado (center) and her current boyfriend Patrick Garcia (right). He explains, "Actually, ako, never naman akong tumanggi sa trabaho. Kahit anong role, kahit maliit lang ang role, tanggap lang ako nang tanggap. Ano lang talaga, siyempre maiilang lang ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results