Melissa Ricks not insecure about Kim Chiu

Apr 23, 2007
"Bakit ko naman siya sisiraan, ano naman ang galit ko sa kaniya?" says Melissa Ricks (left) about a blind item saying that she is insecure with Kim Chiu (right).


Hindi man pangalanan ay very obvious na si Melissa Ricks ang tinutukoy sa blind item na lumabas sa isang tabloid tungkol sa young actress na sobrang insecure diumano kay Kim Chiu.



Ayon sa nasabing blind item ay kinukuwestiyon diumano ng naturang young actress kung bakit nabibigyan ng magandang exposure si Kim gayong mas mahusay siyang umarte sa Pinoy Big Brother Teen Edition big winner. Nabibigyang kulay rin diumano ang pagiging sobrang friendly ng naturang young actress sa ibang tao dahil bukod sa pagiging pintasera ay kaplastikan lang daw ang ipinapakita niyang kabutihan sa ibang tao.

Hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Melissa Ricks tungkol sa naturang blind item sa panayam namin sa kaniya last Sunday, April 22, sa dressing room ng ASAP '07.



"Itanong mo kay Kim, kay Gerald [Anderson], kay Matt [Evans], kahit kanino, at sasabihin nilang di totoo ang issue na ‘yan. Bakit naman ako maiinggit kay Kim, e, tatlo-tatlo ang shows ko? Saka lagi kaming magkasama sa mga production numbers. Bakit ko naman siya sisiraan, ano naman ang galit ko sa kaniya?" nagtatakang sabi ni Melissa.

Continue reading below ↓



Although very honest naman si Melissa sa pagsasabing hindi sila close ni Kim, wala naman daw bad blood between them.

"Madalas kaming magkasama sa ASAP lang, pero okay naman kami ni Kim. Gaya ng sinabi ko, bakit ako magagalit sa kaniya? Saka di ako maldita!" paliwanag pa ng young actress na produkto ng kauna-unahang Star Circle Quest.

Sa isyu naman na puro kaplastikan lang ang ipinapakita niyang ngiti at pagbati sa ibang tao, heto ang pahayag ni Melissa: "Di rin totoo ‘yan. Bakit naman ako magkukunwari? Wala naman akong mapapala kung mangpa-plastik ako ng ibang tao."

Ayon kay Melissa ay kilala niya ang taong gustong sumira sa kanya. Ayaw magbigay ng anumang detalye ng young actress, pero winarningan na diumano siya ng taong ito noon.

"Hindi na ako na-surprise dahil sinasabi niya sa akin na ipasusulat daw niya ako, na ginawa naman niya. Di ko na sasabihin kung sino siya, pero bahala siya," pagtatapos na ni Melissa.

Kasama si Melissa sa Book 2 ng Pedro Penduko, ang Engkantao, na mapapanood sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
Melissa Ricks, Kim Chiu
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bakit ko naman siya sisiraan, ano naman ang galit ko sa kaniya?" says Melissa Ricks (left) about a blind item saying that she is insecure with Kim Chiu (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results