Ai-Ai won't feel hurt if Kris doesn't get her as ninang of James Jr.

Apr 24, 2007
"Okay lang. Silang mag-asawa naman ang magde-decide kung sino ang kukunin nilang mga ninong at ninong," answers Ai-Ai delas Alas (left) to the question about how she would feel if Kris Aquino and James Yap don't get her as ninang of baby James.


Dahil sa pagiging busy ni Ai-Ai delas Alas these days campaigning for several candidates and going out of town for them, hindi pa siya nakakadalaw sa kaniyang "friendship" na si Kris Aquino, who recently gave birth to James Jr.

"Nagti-text na ako sa kaniya at nagpadala na ako ng flowers, pero hindi pa ako nakakabisita," sabi sa amin ni Ai-Ai during the campaign sortie of Wes Gatchalian sa Valenzuela City.

"Hindi pa rin ako nakakatawag sa kaniya kasi nga ang alam ko, kapag caesarian, as much as possible, bawal magsalita. Baka kapag kami magkita ni Friendship, hindi kami matapos sa kuwentuhan, baka makasama sa kaniya," sabi pa ni Ai-Ai.

Naitanong namin kay Ai-Ai kung napag-usapan na ba nila ni Kris kung kukunin siyang ninang kay James Jr. Hindi pa raw. She'd be happy kung makukuha nga siya.

Kaso, may hindi pagkakaunawaan si Ai-Ai at ang mister ni Kris na si James before Kris gave birth, so there might be a possibility na hindi siya kuning ninang. Matatandaang nagbiro noon si Ai-Ai na isoli muna ni Kris si James sa nanay niya sa kalagitnaan ng James-Hope controversy.

Continue reading below ↓

"Okay lang," sagot ni Ai-Ai. "Silang mag-asawa naman ang magde-decide kung sino ang kukunin nilang mga ninong at ninong."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okay lang. Silang mag-asawa naman ang magde-decide kung sino ang kukunin nilang mga ninong at ninong," answers Ai-Ai delas Alas (left) to the question about how she would feel if Kris Aquino and James Yap don't get her as ninang of baby James.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results