Paolo Ballesteros reacts to DJ Mo's gay comment

Apr 23, 2007
"Kilala ko siya as DJ Mo, pero di kami close. Kung totoong kinunfirm niya yun, bakit, ano ba ang problema, at saka, e, ano naman?" says Paolo Ballesteros (right) about DJ Mo Twister (left) saying that he believes Paolo is really gay.


Marami ang ginulat ni DJ Mo Twister nang sabihin niya sa guesting niya sa programang Showbiz Ka! on RPN-9 na naniniwala siyang gay nga ang young TV host-actor na si Paolo Ballesteros.

Tinanong kasi si DJ Mo sa naturang programa, hosted by Pat P.-Daza, kung sino sa mga pinangalanan ng mga celebrity guests sa kaniyang radio program na gay ang totoong gay.

"I would put a lot of money on Paolo Ballesteros," sabi ni DJ Mo.



Ayon pa kay Mo, na nagpasikat ng "Forbidden Questions" segment sa kanyang radio show, Good Times, ay nakita niya sa Government Bar si Paolo, isang bar na karamihan ng mga customers ay mga gays. Kinumpirma naman ni Paolo na nagpunta nga siya sa Government Bar sa PEP (Philippine Entertainment Portal), last Saturday, April 21, sa backstage ng Eat Bulaga!. Ngunit nilinaw ni Paolo na hindi gay bar ang naturang bar.

"Baka gay din siya kaya siya nandun?" balik-tanong ni Paolo tungkol kay Mo.

Continue reading below ↓

"Unang-una, ika-clarify ko lang na hindi siya [Government Bar] gay bar na may mga naghuhubad na lalake. May mga nagpe-perform din dun like sina Anton Diva, ‘tapos may mga special events din. Marami lang gays na nagpupunta dun, pero di naman lahat. May mga lalake, may mga babae," paliwanag niya.

"Ako, yung mga sinasamahan kong friends... It's not about the lugar, e. It's about the company. Gusto nila dun pumunta kasi kilala namin yung may-ari, sina Josh and Henry. We can have fun na wala kang iniintindi kasi kilala mo nga ang mga owners."



Dagdag pa niya, "Unang-una, di ko pa naririnig yung ganyang issue na galing sa kaniya [DJ Mo]. Kilala ko siya as DJ Mo, pero di kami close. Kung totoong kinunfirm niya yun, bakit, ano ba ang problema, at saka, e, ano naman? Oo, araw-araw ako napapanood sa Eat Bulaga!, pero di naman ako ganun kasikat kagaya ng iba para gawan niya ng issue."

Continue reading below ↓

Sa kabila ng sinabing ito ni DJ Mo ay wala raw balak si Paolo na kausapin upang kumprontahin o makipaglinawan sa controversial DJ.



"Kasi ako, as much as possible, ayokong nagpapa-interview kasi ayokong pinapatulan. Sa akin, bakit palalakihin pa?" paliwanag ni Paolo.

May mga ilang nagbigay ng suhestiyon na bakit hindi raw kasi mag-girlfriend si Paolo para mahinto na ang ganitong mga issues sa kaniya. Ayon kay Paolo ay hindi raw ito solusyon.

"Hindi, hindi ako ganun," sabi niya. "Nasabi ko na ito dati na may mga kapatid akong babae. Malaki ang respeto ko sa kanila at di ako magpapaapekto sa mga sinasabi lang ng ibang tao. Ayokong para lang matigil ang ganitong issue sa akin, e, gagawin ko na ang mag-girlfriend."

REFORMAT OF EAT BULAGA? Samantala, usap-usapan ang pagre-reformat ng Eat Bulaga! dahil natatalo na raw ito ng Wowowee sa ratings. Ayon pa sa balita, kasama raw si Paolo sa mga hosts ng nasabing noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7 na mawawala kung saka-sakaling matuloy ang pagre-reformat nito.

Continue reading below ↓



"Natakot ako bigla, ah!" kinakabahang reaksiyon ni Paolo. "Pero wala pang nakakarating sa akin. Ang ginagawa ko na lang, pumapasok ako kasi wala pa naman akong information na natatanggap.



"Siyempre, nakakalungkot pero ganun talaga, e. Hindi naman puwedeng forever. Kung para sa ikagaganda ng show, bakit hindi? Hindi naman sila gagawa ng ganung step kung hindi valid ang reason. Pinag-iisipan nila yun nang matagal, pinagmi-meetingan nila," paliwanag pa ni Paolo bilang pangwakas.

Bukod sa Eat Bulaga! ay regular ding napapanood si Paolo sa Daddy Di Do Du. Natapos na rin niya ang isang indie film, ang Sino Si Noah?, kung saan kasama niya sina Isabel Granada at Rafael Nakpil under the direction of Sean Lim.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kilala ko siya as DJ Mo, pero di kami close. Kung totoong kinunfirm niya yun, bakit, ano ba ang problema, at saka, e, ano naman?" says Paolo Ballesteros (right) about DJ Mo Twister (left) saying that he believes Paolo is really gay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results