Patrick Garcia clashes with "Startalk" staff

by Dinno Erece
Apr 24, 2007
Patrick Garcia is now caught in a spat with "Startalk" because he allegedly shouted at a staffer who wanted to interview him on the set of "Super Twins." Says the "Startalk" staff involved, "Nakabukas na ang pinto [ng kotse niya] noon, nagsalita na siya agad ng 'Natutulog ako!' bago niya ito isinara. Kung sarado ang pinto at natutulog nga siya, bakit hindi bukas ang aircon ng kotse?"


Magkaiba ang versions ng kuwento ng nagka-engkuwentrong Startalk staff at ni Patrick Garcia.

Last Saturday, April 21, mainit ang naging comment ni Lolit Solis kay Patrick dahil sa diumano'y "pambabastos" daw nito sa staff ng Startalk when the young actor was asked for an interview sa set ng Super Twins.

Diumano, bukod sa hindi na nga nagpa-interview si Patrick sa Startalk staff, pinagsarhan pa nito ng pinto ng kotse niya ang staff pagkatapos nitong sumigaw ng "Natutulog ako!"

Isang text message agad ang natanggap namin after the broadcast in defense of Patrick.

To wit: "Man of few words si Pat. I'm sure he didn't mean to hurt anyone, most especially the press. Naalimpungatan lang siguro. You know the saying 'magbiro sa lasing huwag lang sa bagong gising.' Pat's a gentleman."

All should have been well and the topic should have rested ngunit nakarating sa staff ng Startalk that Patrick was quoted daw saying na isa sa ikinainis niya ay natutulog na nga siya sa kotse niya, binuksan pa raw ng staff ng Startalk ang pinto ng kotse niya.

Continue reading below ↓

Nakausap namin ang mismong staff in question.

Ayon dito, "Una, may basbas ang interview mula sa kaniyang manager [Arnold Vegafria], sa handler niya, and sa EP of Super Twins [Edlyn Tallada]. Bago kami nagpunta sa set, pinagpaalam namin ito sa kanila kung puwedeng ma-interview si Patrick. Everyone said yes.

"Nang dumating kami, nagpasabi kami agad sa director [Dominic Zapata] at sinabihan kaming free that time si Patrick, kung kaya't pinahanap agad siya ng EP sa isang PA, at nasabi ngang nasa kotse siya. Lumapit kami sa kotse niya at habang hinahanda na namin ang camera, kinatok siya ng PA dahil nandoon na nga kami at kung puwedeng ma-interview siya.

"Nakabukas na ang pinto noon, nagsalita na siya agad ng 'Natutulog ako!' bago niya ito isinara. Kung sarado ang pinto at natutulog nga siya, bakit hindi bukas ang aircon ng kotse? Isa pa, hindi kami friend ni Patrick para buksan ko ang pinto," kuwento pa ng Startalk staff.

Continue reading below ↓

Hopefully, maayos din ito sakaling pumayag nga si Patrick na magpa-interview siya nang live sa Startalk this Saturday.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia is now caught in a spat with "Startalk" because he allegedly shouted at a staffer who wanted to interview him on the set of "Super Twins." Says the "Startalk" staff involved, "Nakabukas na ang pinto [ng kotse niya] noon, nagsalita na siya agad ng 'Natutulog ako!' bago niya ito isinara. Kung sarado ang pinto at natutulog nga siya, bakit hindi bukas ang aircon ng kotse?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results