Pauleen no longer hurts when Marvin is linked to other girls

by Melba R. Llanera
Apr 25, 2007
"It's up to him, buhay naman niya yun," says Pauleen Luna (in photo) about rumors linking her ex-boyfriend Marvin Agustin to other young actresses.

Usap-usapan ngayon ang diumano'y pagre-reformat ng Eat Bulaga!, ang long-running noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7, dahil sa mahigpit na kumpetisyong ibinibigay ng katapat nitong programa na Wowowee ng ABS-CBN.

Kapansin-pansin na wala na sa show ang tatlong winners ng "Mr. Pogi," at balitang may mababawas pang existing co-hosts ng Eat Bulaga!.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna, ang isa sa young co-hosts ng noontime show. Hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang pagbabawas ng mga co-hosts sa programang kinabibilangan niya.



"Well, may mga kinausap na," pagkumpirma ni Pauleen. "Ako, kinausap na ako but in a good way. Good news ang natanggap ko, so okay naman. Of course, it's always sad because we're family here, and ‘pag may nawala, talagang nakakalungkot. Pero ganun, e."

Sa isyung tinatalo na raw ng Wowowee ang Eat Bulaga! sa ratings, ipinaliwang ni Pauleen na hindi lang ratings ang aim ng kanilang programa.

Continue reading below ↓



"Kasi kami ang goal namin sa Eat Bulaga! ay magpasaya ng tao. Plus point na lang ang ratings. Ang gusto namin ay magbigay ng joy, to get the masa. Ayaw namin ng sobrang competition," paliwanag niya.



Samantala, naging open book ang relasyon at kinauwian ng ilang buwang relationship nila ni Marvin Agustin. Very honest noon sa pagsasabi si Pauleen na ‘pag may niligawan na, o may naging girlfriend agad, ang ex-boyfriend ay masasaktan siya.

Heto't balita na dinidiskartehan na raw ni Marvin sina Angel Locsin at Valerie Concepcion. Ano ang reaksiyon ni Pauleen dito?



"It's up to him, buhay naman niya yun. Angel and Valerie are two beautiful people, mababait ang mga yun," sabi ni Pauleen.



Dagdag pa niya, "Hindi na ako nahe-hurt. It takes time, it's a process. I'm sure 'pag may mga nanligaw sa akin at nalaman niya [Marvin], okay lang sa kaniya because it's been months. It's always mind over heart. That way, ang ulo ay nasa ibabaw ng puso kasi kung wala, if you let your heart rule over your mind, wala talagang mangyayari sa iyo."

Sa ngayon ay hindi pa rin nagkikita sina Marvin at Pauleen pagkatapos ng kanilang break-up. Ayon kay Pauleen, isa raw itong blessing in disguise.



"Hindi pa kami nagkikita. Ang galing nga ni Lord kasi nung shoot ng station ID ng GMA-7, pag-alis ko, siya namang pagdating ni Marvin," kuwento ni Pauleen bilang pangwakas.



Bukod sa araw-araw na mapapanood sa Eat Bulaga!, Pauleen is also in the cast of Regal Entertainment's My Kuya's Wedding, a movie co-starring Ryan Agoncillo, Maja Salvador, and Jason Abalos.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's up to him, buhay naman niya yun," says Pauleen Luna (in photo) about rumors linking her ex-boyfriend Marvin Agustin to other young actresses.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results