Michelle Madrigal reacts to the rumored Victor Neri-Sunshine Dizon relationship

by Melba R. Llanera
Apr 25, 2007
"Narinig ko na rin yung sa kanila ni Sunshine... Hindi naman bago yun, na si Victor, pagkatapos ng isang girlfriend ay magkakaroon kaagad ng bago," says Michelle Madrigal (major photo) about the rumored relationship of her ex-boyfriend Victor Neri and Sunshine Dizon (inset).

A few months ago, isang emosyonal na Michelle Madrigal ang napanood ng publiko sa The Buzz na umiiyak at kinukumpirma ang pakikipag-break sa kaniya ng boyfriend na si Victor Neri.



With her playgirl image, inisip ng maraming tao na madaling makaka-move on at makakahanap ng kapalit si Michelle. But contrary to what other people assumed, si Victor ang agad naka-move on, at ngayon ay bali-balita na si Sunshine Dizon na raw ang bago nitong girlfriend.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle last April 22 sa dressing room ng ASAP '07, sinabi niya na matagal na raw nakarating sa kaniya ang balitang may "special relationship" na namamagitan kina Victor at Sunshine.



"Narinig ko na rin yung sa kanila ni Sunshine," sabi ni Michelle. "Sa akin, okay lang. Hindi naman bago yun, na si Victor, pagkatapos ng isang girlfriend, ay magkakaroon kaagad ng bago. Alam ko na mangyayari, saka wala na sa akin yun kasi nakapag-move on na ako. So wala na akong pakialam, kumbaga, buhay na niya yun. Bahala na siya kung gusto niyang mag-girlfriend ng marami."

Continue reading below ↓

Dahil meron silang mga common friends ay nagkikita pa rin daw sina Michelle at Victor.



"Kung minsan nagkikita kami kasi yung mga kaibigan niya, kilala ko rin. Saka maliit lang ang Pilipinas, so di kaming puwedeng hindi magkita. When we see each other, hi, hello lang. Wala na yung ‘O, kumusta ka?' Kumbaga, kaswal na batian na lang," kuwento ng young actress na produkto ng Star Circle Quest.

According to Michelle, she's happy now living a single life. Ini-enjoy niya na walang karelasyon kahit pa nga ang tingin ng iba ay siya yung tipo ng babae na papasok agad sa bagong relasyon.



"Single ako and I'm happy being single," ani Michelle. "Okay lang sa akin ang date-date, pero yung relationship na serious agad, parang hindi na muna. Okay ako na ang focus ko muna is my work, my family, friends, and myself. Kasi feeling ko, parang ang task ko sa sarili, love myself first.



"Kung may gustong manligaw, okey lang, hindi ko isinasara yung pintuan. Pero hindi rin naman ako nagmamadali, na kailangan magka-boyfriend na ako," pagtatapos na ni Michelle.



Miyembro si Michelle ng Cover Girls ng ASAP '07 at kasama din siya Book 2 ng Pedro Penduko sa ABS-CBN. She has also just starred in an indie film with Mark Herras entitled Sapi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Narinig ko na rin yung sa kanila ni Sunshine... Hindi naman bago yun, na si Victor, pagkatapos ng isang girlfriend ay magkakaroon kaagad ng bago," says Michelle Madrigal (major photo) about the rumored relationship of her ex-boyfriend Victor Neri and Sunshine Dizon (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results