Hi! Magazine goes sexy with Judy Ann Santos

by Nerisa Almo
Apr 25, 2007
Actress Judy Ann Santos is looking slimmer and fitter now than she was just three years ago. She admits in Hi! magazine's exclusive interview, "Never in my wildest dream na naisip kong magiging spokesperson ako sa pagpapapayat!"

Flaming hot pa rin ang summer at ayon sa balita ay mananatili pa ang ganitong panahon hanggang sa Mayo. Kasabay ng mainit na panahon ay ang mainit-init pang mga istorya ng Hi! magazine sa kanilang 50th issue ngayong Mayo.

Sa unang pahina pa lang ay gugulatin na ang mga mambabasa ng celebrities with hot bodies. Isang survey ang ginawa ng Hi! sa editors, publishers, at writers ng men's, lifestyle, at fashion magazines upang malaman kung sinu-sino ang mga may sexy bodies sa local showbiz.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng exclusive interview ang Hi! sa multi-awarded actress na si Judy Ann Santos. Sa panayam na ito ikinuwento ng dalaga kung anu-ano ang mga paraang sinubukan niya upang makamit ang ngayo'y slim-and fit-niyang ktawan. Ayon sa dalaga, hindi niya ginawa ang pagpapapayat para sa mga taong kumukutya sa kanya kundi para sa kanyang sarili.

Samantala, muli ring sinariwa ng Hi! ang mga pelikula simula noong Dekada 50 na may natatanging eksenang tumatak na sa isipan ng mga Pinoy. Ilan sa mga artistang naging haligi na ng pelikulang Pilipino na nabanggit ay sina Gerry de Leon, Nida Blanca, Rosa Rosal, at Pancho Magalona. Binigyang pansin din ang mga batikang direktor na sina Ishmael Bernal at Lino Brocka.

Continue reading below ↓

Nakisimpatya din ang Hi! sa kasalukuyang nararamdaman ng mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino. Napabalitang nasa stage four na ang sakit na preampullary cancer ni Daboy at kasalukuyan siyang sumasailalim sa chemotherapy at susunod ay ang radiofrequency ablation.

At sa napapanahong balita, nagbigay ng impormasyon ang Hi! sa tunay na kalagayan ng pagsasama ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap. May mga balitang lumabas kasi—ilang linggo matapos ang kasagsagan ng kontrobersyang Kris, James, at Hope Centeno—na naghiwalay na ang mag-asawa. Mapatawad na kaya ni Kris ang asawang si James ngayong naipanganak na ang kanilang panganay na si Baby James kamakailan lang?

Ilang lamang iyan sa mga maiinit na istoryang handog ng 50th issue ng Hi! magazine bago matapos ang summer. So hurry and grab a copy now habang mainit-init pa!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Judy Ann Santos is looking slimmer and fitter now than she was just three years ago. She admits in Hi! magazine's exclusive interview, "Never in my wildest dream na naisip kong magiging spokesperson ako sa pagpapapayat!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results