Joross Gamboa's and Bianca Gonzales's revealing photos hit the Net

Apr 25, 2007
These revealing photos of Joross Gamboa (left) and Bianca Gonzales (right) are just two of the latest photos of Pinoy celebrities that are now circulating on the Internet.


Early last year, sumabog ang mga cell-phone video scandals ng mga artista. Unang umikot ang mga ito sa mga Internet groups, sites, at blogs, na pinick-up naman ng mga manunulat sa diyaryo at pati na rin ang mga television showbiz talk shows.

Most of the stars involved categorically denied na sila nga ang mga nakunang hubad. Kasama na rito si Karel Marquez na nakunan diumano nang nakahubad sa Boracay. But some celebrities, probably hoping for that proverbial 15 minutes of fame, actually admitted it was them on the video. Kasama rito sina Cedric Carreon na kinunan daw ng kanyang sex partner at si Teri Onor na umiihi sa toilet bowl.

Nagkaroon ng clamp down ng mga video scandals sa TV nang umabot na sa malalaking artista ng mga network. Ang pinakamainit nang panahong iyon ay ang sinasabing sex video ng dalawang lalaki, na ang isa raw ay ang ABS-CBN prize talent na si Piolo Pascual. All the showbiz talk shows decided to stop reporting the burgeoning new type of high-tech scandal.

Continue reading below ↓

Nagkasya na lang ang mga tagakalat ng ganitong uri ng pictures at video sa mga kung anu-anong "scandals" involving private persons from various cities and provinces. May tinaguriang "Makati scandal," "Baguio scandal," "Malate scandal," at kung anu-ano pa. Ang mga scandal ay kalimitang mga sexual acts, na ngayon ay compiled na rin in one DVD.

Recently though, unti-unti na namang naglalabasan ang mga litrato ng mga artista in delicate and daring situations.

Nauna na rito ang kissing photo nina Bianca King and Antoinette Taus sa Boracay, na although hindi idinenay ni Bianca sa S-Files interview sa kaniya, wala naman daw itong malisya at "sisterly kiss" lang daw ito.

Nasa Internet na rin ang shower scene ni Bruce Quebral sa Slovenia Big Brother, and immediately, someone converted the video into a 3gp format, kung kaya't umiikot na rin ito sa mga cell phones.

Kadi-deny lang din ni Dennis Trillo ng diumano'y cell-phone video niya, na unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), at isa sa mga unang pasabog ng magbubukas na Showbiz Central sa GMA-7 this Sunday.

Continue reading below ↓

Earlier, may dalawang pictures din na umikot sa Internet, although hindi masyadong napick-up ng mga diyaryo. Una ay ang former Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Bianca Gonzales, na kinunan nang nakaharap at kita ang panloob nito, supposedly without her underwear on. The news headline says, "Bianca does a Britney." Upon closer view, mayroon namang suot na underwear si Bianca, skin colored nga lang at parang see-through-.

Today, April 24, isa na namang picture ang umiikot sa mga gay Yahoo groups. Ito ay ang kay Joross Gamboa. Makikita sa litrato na kuha ito ni Joross sa sarili niya. Naka-topless siya, at sa baba ng kaniyang red shorts ay kita na ang buhok below his navel. Noticeable din ang umbok sa kaniyang shorts.

Sinubukan naming i-text si Joross kanina pang umaga para mag-comment tungkol dito, at nang maitanong na rin namin kung paano ito nakuha sa kaniya, ngunit di pa siya sumasagot.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
These revealing photos of Joross Gamboa (left) and Bianca Gonzales (right) are just two of the latest photos of Pinoy celebrities that are now circulating on the Internet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results