Mike Tan has not found anyone after break-up with LJ Reyes

Apr 24, 2007
"Pero hindi naman ako nagsasalita ng tapos. Lahat naman kasi ng bagay may posibilidad, e. Ang hirap magsabi na malabo na," says Mike Tan about the possibility of getting back together with ex-girlfriend LJ Reyes.


Matagal nang naghiwalay ng landas ang StarStruck 2 graduates na sina Mike Tan at LJ Reyes. Pero dahil pareho silang talents ng Artist Center ng GMA-7, madalas pa ring mag-krus ang kanilang landas.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mike at kinumusta namin sa kaniya ang pakikitungo nila ni LJ ngayon sa isa't isa.

"Tulad pa rin ng dati," matipid na sagot ni Mike.

Kailan sila huling nagkita ni LJ?

"'Pag pareho kaming nasa SOP, ‘pag Sunday," sabi ng young actor.

Nagkakaharap at nagkakausap ba sila nang matagalan?

"Nagkakatinginan," aniya. "Kasi aminado ako sa sarili ko na ilang ako. Umiiwas na ako, e. Kumbaga, may boyfriend siya."

Ipinaalala ng PEP kay Mike na break na si LJ at ang sexy actor na si Alfred Vargas.

"Hindi ko alam kung ano totoo dun, ang sabi cool-off," paliwanag niya.

Ano ang reaction ni Mike nang una niyang mabalitaan na nagkakalabuan na ang relasyon nina LJ at Alfred?

Continue reading below ↓

"Wala lang. Parang mabuti na rin siguro yun kasi ang daming ginagawa ni LJ, e. Kung hindi ako nagkakamali, nagte-taping siya, tapos nag-aaral pa siya. Ngayon, may business pa siya," sabi ni Mike.

Dalawang TV shows ang pinagkakaabalahan ngayon ni LJ, ang Lupin at ang "My Ghost Bride" episode ng Magic Kamison.

Ngayong break na sina Alfred at LJ, wala pa rin kayang pag-asa na magkabalikan sina Mike at LJ?

"Hindi natin masasabi kung anong meron," ani Mike. "Pero hindi naman ako nagsasalita ng tapos. Lahat naman kasi ng bagay may posibilidad, e. Ang hirap magsabi na malabo na."

In good terms ba sila ni Alfred?

"Civil, batian lang," matipid niyang tugon.

Pero may soft spot pa rin ba si LJ sa puso ni Mike?

"Siyempre may concern pa rin ako para kaniya. Naging kaibigan ko siya, naging mabuti kami sa isa't isa," aniya.

Mahal pa ba ni Mike si LJ?

Continue reading below ↓

"Tapos na kami. Wala na. May concern na lang ako siguro sa kaniya," diin ni Mike.

Bakit hindi niya agad mapalitan si LJ? Ang lumalabas tuloy, hindi pa nakaka-move on si Mike.

"First girlfriend ko kasi si LJ," sagot niya. "Aminado ako na medyo nahirapan akong maka-move on after ng relationship namin. Siguro wala pa akong nakikitang gusto ko. Na-realize ko lang ulit na sobrang sarap maging single."

Ten months naging mag-on sina LJ at Mike at mahigit isang taon na silang magkahiwalay ng landas.

Ano ba ang mga qualities na hinahanap ni Mike sa isang babae?

"Dati sinasabi ko na gusto ko morena, simple lang, yung maayos yung ngipin, matangos ang ilong, bilugan yung mata, pero hindi siya nangyayari. Kumbaga, sa akin hindi mo puwedeng sabihin or piliin yung dream girl mo talaga. Kusa na lang talaga siyang darating. Kung kanino ka magiging kumportable, dun ka mahuhulog," pahayag pa ni Mike.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero hindi naman ako nagsasalita ng tapos. Lahat naman kasi ng bagay may posibilidad, e. Ang hirap magsabi na malabo na," says Mike Tan about the possibility of getting back together with ex-girlfriend LJ Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results