Katrina Halili: "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake!"

by Maricris Valdez-Nicasio
Apr 26, 2007
"Okey lang kahit tawagin akong manhater. Mas masarap magtrabaho kaysa mag-boyfriend," says Katrina Halili.


"Ayoko munang mag-boyfriend!" Ito ang mariing sinabi ni Katrina Halili nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife sa taping ng GMA-7 gag show na HP: To The Highest Level Na! last April 24.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan kung bakit, tumangging mag-elaborate pa ng sexy young actress. Tila mayroong sad experience si Katrina sa nagdaang relasyon niya kaya takot na siyang muling magmahal. Ang huling boyfriend ni Katrina ay si Bullet Jalosjos.

Ayon kay Katrina, "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake! Mahirap, e. Bukod sa nawawala ang focus ko sa trabaho kapag in-love ako, karamihan pa ng fans ko ay nagseselos. Siyempre, karamihan sa kanila ay lalake kaya mas gusto nilang wala kong bf."

Sabi pa niya, "Okey lang kahit tawagin akong manhater. Mas masarap magtrabaho kaysa mag-boyfriend."

Ang una at huling nakarelasyon ni Katrina na taga-showbiz ay si Andrew Schwimmer, na dating alaga ng talent manager na si Douglas Quijano.

Continue reading below ↓

Bagama't inili-link sa kanya si Mark Herras, ayon kay Katrina, "Hindi ko naman naging boyfriend si Mark. Kaibigan ko lang ‘yon. Hindi ko nga alam kung bakit walang nanliligaw sa akin, e. Pero mas mabuti na yung ganun para mas tahimik ang buhay ko."

Sinabi pa ni Katrina na mas enjoy siya sa paglalaro ng kanyang mga collection ng Barbie dolls kaysa pag-ukulan ng pansin ang mga lalake.

"May collection ako ng Barbie dolls, at pag-uwi ko ng bahay ay nilalaro ko ‘yon. Para nga akong bata na ngayon lang nagkaroon ng Barbie, e. Bumili pa talaga ako ng Barbie table at umuupo ako dun," natatawang wika niya.

"Minsan pag umuuwi ako sa bahay, matingnan ko lang ang Barbie collection ko ay masaya na ako. Wala pang Ken [boyfriend ni Barbie] ang mga Barbie ko. So malalaman nyo kapag na-in love na uli ako kapag nagkaroon na ng Ken ang mga Barbie ko!" biro pa niya.

Sa kasalukuyan, nakatuon sa kanyang career si Katrina.

"Kailangan kong kumayod nang kumayod. Wala nga akong sariling condo, nagre-rent pa lang ako. Yung kotse ko, hinuhulugan ko pa rin ‘yon, e. Siguro kapag dalawa na ang regular shows ko, makakaipon na ako. So work and work muna ako at wala muna sa bokabularyo ko ang boys," pagwawakas ng sexy young actress.

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey lang kahit tawagin akong manhater. Mas masarap magtrabaho kaysa mag-boyfriend," says Katrina Halili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results