Pia Guanio is not tense around Dina Bonnevie

by Rey Pumaloy
Apr 26, 2007
Pia Guanio (in photo) is reportedly in good terms with her boyfriend Vic Sotto's ex-wife, Dina Bonnevie.

Pinasalamatan ni Pia Guanio ang ex-wife ng boyfriend niyang si Vic Sotto na si Dina Bonnevie. Ito ay matapos malaman ni Pia ang positive comments ni Dina nang mag-guest ang aktres sa showbiz talk show ng ABS-CBN, ang The Buzz, last April 22.

Idinaan ni Pia kay Danica, ang nakatatandang anak nina Dina at Vic, na ang malaking pasasalamat niya sa aktres.

Hindi naman daw inisip ni Pia na may di magandang sasabihin tungkol sa kanya si Dina. Kaibigan daw niya si Danica at ang iba pang miyembro ng pamilya Sotto dahil madalas silang nagkikita ng mga ito.

Never daw na-tense o na-intimidate si Pia kay Dina kahit noong nagkita sila sa shower party ni Danica bago ito ikasal kay Marc Pingris. Ayon pa kay Pia, wala naman daw siyang ginagawang kasalanan sa kahit na sino.

Nanghihinayang nga lang daw si Pia at hindi na niya nakita pa si Dina. Matatandaang hindi nakadalo sa mismong araw ng kasal nina Danica at Marc si Pia dahil diumano sa food poisoning. Pero ikinatuwa ng present girlfriend ni Vic ang nabalitaang paghahanap sa kanya ni Dina sa wedding.

Continue reading below ↓

Samantala, wala pa raw marriage proposal si Vic kay Pia. At hindi pa rin naman daw siya handang magpakasal sa actor-comedian kahit kuntento siya sa ipinaparamdam nitong pagmamahal sa kanya.

Kasama si Pia sa pumalit na show sa S-Files, ang Showbiz Central, kung saan makakasama niya ulit si John "Sweet" Lapus, plus Raymond Gutierrez.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Guanio (in photo) is reportedly in good terms with her boyfriend Vic Sotto's ex-wife, Dina Bonnevie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results