Pia Guanio surprised by Vic Sotto's "greatest fear"

Apr 26, 2007
Pia Guanio was speechless after her boyfriend, Vic Sotto, answered "mawala ka sa buhay ko," when she asked him what his greatest fear in life was.

Isa si Vic Sotto sa mga naging huling guests ng Sunday showbiz talk show ng GMA-7 na S-Files. Nag-open si Vic sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Pia Guanio, na siya ring nag-interview sa kanya. One of the questions asked of him was, "What is his greatest fear?" Ang isinagot ni Vic dito ay "mawala ka sa buhay ko," na ang tinutukoy siyempre ay si Pia.

Hindi prepared si Pia sa sagot ni Vic dahil, before the actual show, nag-prepare raw sila sa lahat ng mga tanong at nag-ready na rin si Vic ng mga isasagot niya.

"Habang nagpi-prep kami, sabi niya [Vic] sa akin, ang isasagot niya raw sa tanong na greatest fear, ‘multo sa bahay namin,'" kuwento ni Pia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press launch of Showbiz Central last night, April 25, sa Annabel's restaurant on Tomas Morato.

"Matatakutin kasi si Vic," patuloy niya. "Takot siya doon sa mga maingay na kung ano sa bahay namin na mga multo yata. So ito raw ang isasagot niya doon sa tanong na greatest fear niya. Parang sort of pag-care pa rin sa akin, na baka kung ano ang mangyari sa akin sa bahay namin. Kaya nagulat talaga ako nang iba ang sinagot niya, ang losing me."

Continue reading below ↓

Naging speechless si Pia sa sagot ni Vic.

"Of course I understand him, ‘no! Kahit ako naman, losing someone you love is something we all fear," kinikilig na sabi pa ni Pia.

Nang tanungin naman si Pia kung ano ang greatest fear niya, gumanti siya sa sagot ni Vic: "Losing Vic."

Pia was also asked kung sa palagay niya ay sila na ni Vic until the end. Malalim ang naging sagot niya.

"If I agree to it, it will be," ani Pia.

Read Next
Read More Stories About
Pia Guanio, Vic Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Guanio was speechless after her boyfriend, Vic Sotto, answered "mawala ka sa buhay ko," when she asked him what his greatest fear in life was.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results