Oyo Sotto admits going out with Kristine Hermosa

Apr 25, 2007
"Wala naman kaming itinatago, lumalabas kami ni Tintin. Alam naman ni Diet yun," says Oyo Sotto about going out with Kristine Hermosa.

Kung nali-link ang ex-girlfriend ni Oyo Sotto na si Angel Locsin sa tatlong lalake na may mga anak na—Robin Padilla, Marvin Agustin, and Paolo Paraiso—si Oyo naman, karamihan ay may mga asawa na at mas matanda ang iniuugnay sa kaniya. Ilan sa mga ito sina Bing Loyzaga, Amy Perez, at pati na si Kristine Hermosa.

"Actually, hindi ko alam, e. Ang una kong kaibigan na may asawa na naging kaibigan ko, si Amy Perez. Siya yung nanay ko sa Ikaw sa Puso Ko. Kasi yung mga nanay ko sa soap, nagiging barkada ko sila," sabi ni Oyo sa panayam sa kaniya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi kaya naghahanap siya ng mother figure?

"Ay, hindi naman!" natatawa niyang sagot. "Parang siguro ano sa lifestyle ko, mas gusto ko mas matatanda ang kasama ko. Ewan ko, pero kasi nasasabayan ko sila, e. Tapos siguro marami lang akong natututunan sa kanila."

Hindi kaya epekto ‘yan ng sobrang closeness nila ng ina niyang si Dina Bonnevie?

Continue reading below ↓

"Siguro, parang ganun," pagsang-ayon ni Oyo. "Sanay na ako na laging si Mommy at si Mommy lang. Tapos ngayon, siyempre halos once a week na lang kami magkita. Siguro ganun nga."

Speaking of his Mom, ano reaksiyon ni Oyo na "that girl" ang tawag ni Dina kay Angel nang minsang ma-interview ang aktres ng PEP?

"Wala yun kay Mommy, biro lang yun ni Mommy," sabi ni Oyo. "Kasi si Mommy naman talaga, minsan may taray factor. Pero actually, tinatanong niya sa akin si Angel. Like minsan, tatanungin niya ako, ‘O, anong nangyari? Nag-usap na ba kayo ni Angel? Okay na ba kayo?' Sabi ko sa kaniya, ‘Ma, hindi kami magkaaway ni Angel. Magkaibigan pa rin kami.' Tapos sabi niya, ‘O, ano magbabalikan pa ba kayo?' Wala naman siyang galit."

Samantala, once and for all, nilinaw ni Oyo ang tunay na relasyon nila ni Kristine at ang paglabas-labas nila, gaya noong pumunta sila sa Hidden Valley.

Continue reading below ↓

"Oo, nagpunta kami doon with a group of friends," pag-amin niya. "Marami kaming common friends. Wala naman kaming itinatago, lumalabas kami ni Tintin. Alam naman ni Diet [Diether Ocampo, Kristine's estranged husband] yun."

How true na may tawagan sila ni Tintin, at ang codename diumano ni Oyo ay "Machete"?

"Machete?!" natatawang tanong ni Oyo. "Bakit Machete? Ay, hindi! Si ano yun, Jay-R sorry, pero ikaw yun. Barkada namin yun, non-showbiz. Kasi ang laki ng katawan niya, e. Machete tawag namin doon.

"Grabe naman, tatawagin niya akong Machete? Hindi naman ako mukhang machete. Mukha ba akong machete?" Sabay tawa ulit siya.

Para kay Oyo, hindi mahirap mahalin ang tulad ni Kristine.

"Kasi nami-misinterpret siya ng ibang tao na masama ang ugali niya. Pero if you get to talk to her, hindi, e. Kasi yung first impression ko sa kaniya sa Enteng Kabisote 1 since, yun nga, laging tsismis na naririnig ko, parang ang hirap niyang kausapin. Pero hindi, e. Once you get to talk to her, makikita mo yung sincerity niya sa friendship, na pag nagustuhan ka niya bilang kaibigan, itatago ka niya. Magkaibigan talaga tayo," mahabang pahayag ni Oyo bilang pangwakas.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala naman kaming itinatago, lumalabas kami ni Tintin. Alam naman ni Diet yun," says Oyo Sotto about going out with Kristine Hermosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results