Lorna gives update on Rudy's health condition

Apr 26, 2007
"We're fighting. Lumalaban kami sa kung anuman yung sakit niya ngayon," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez.


After five years, muling nagbabalik ang grand-slam actress na si Lorna Tolentino sa award-winning at longest running drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN this Friday, April 27.

Nagandahan sa istorya si Lorna kaya tinanggap niya ang offer ng MMK, kung saan gaganap siya bilang bulag. Duda ng ilan, baka ito na raw ang maging hudyat ng muli niyang paggawa ng teleserye sa Kapamilya Network.



"Kahit sinong pwedeng magbigay ng trabaho, siyempre welcome," umpisa ni LT nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng MMK.



Habang nagte-taping ng MMK si Lorna, ang mga anak niya na sina Ralph at Renz ang nagbabantay sa kanilang ama na si Rudy Fernandez. Kinumusta namin kay LT ang kalagayan ni Daboy (palayaw ni Rudy), na na-diagnose na may periampullary cancer.



"Okay naman siya," paniniguro ni Lorna. "Although he's sick, he doesn't look sick. Yun naman siguro ang importante. We're fighting. Lumalaban kami sa kung anuman yung sakit niya ngayon."

Continue reading below ↓

Pinagtawanan din daw nila ang kumalat na text message noong Holy Week na namatay na si Rudy. Ayon kay Lorna, nasa Tagaytay silang mag-anak nang natanggap nila ang balita na may kumakalat ngang text message na nagsasabing namatay na raw si Daboy.



"Lahat na nga sinasabi na namin, e. Bakit itatago pa yun kung mangyayari, di ba? Inisip na lang namin yung brighter side nun, na kapag natsismis ka, lalong humahaba ang buhay mo," positibong pahayag ni Lorna.



Nilinaw rin ni Lorna ang sinabi ni Rudy sa isang interview na kung siya ang masusunod ay ayaw na niyang pumunta pa sa ibang bansa para magpatingin.



"Actually, hindi naman," sabi ni Lorna. "Yun lang ginagawa sa kanya ngayon, kasi kinu-consult din namin sa ibang friends namin, na pinapa-check namin kung okay o kung tama. Siguro ganun din naman yung gagawin. It's the same, so bakit pa?"

Dagdag pa niya, "At least, nandito lahat ng pamilya at mga kaibigan para sumuporta. Pareho rin naman yung treatment. So kung meron sigurong ibang klaseng treatment na gagawin, bakit hindi?"

Dagdag ni LT, "Di ba, lahat naman tayo, kung saan makakabuti? Kung saan ka talaga gagaling, e, di yun ang gagawin mo. Pero kung ganun din lang na lalayo ka, tapos pareho rin lang naman ang treatment, bakit naman hindi pa dito sa atin?"

Ang plano raw nila ngayon pagkatapos ng chemotherapy ni Rudy ay pupunta sila ng Japan para sumailalim ang action star sa tinatawag na Radiofrequency Ablation (RFA). According to medicine net.com, RFA is "the use of electrodes to generate heat and destroy abnormal tissue."

"Bale merong ipapasok sa liver niya [Rudy]. And then, parang lalagyan ng heat to kill the cancer cell. Yung treatment na yun kapag ginawa mo, siguradong mamamatay yung cancer cells. Pero yung recurrence, hindi yun 100 percent na mawawala," paglalarawan ni Lorna sa RFA.

Nilinaw rin ni Lorna na depende pa rin daw ang pagpunta nila sa Japan kung maa-approve ang kanilang visa. Matatandaan na nagkaroon ng hindi magandang experience si Daboy kasama sina Alma Moreno at iba pang celebrities nang pumunta sila sa Japan years back. Na-deport ang kanilang grupo dahil diumano pinaharang sila sa Japan Immigration ng show promoter na sina Joed Serrano at Robbie Tarroza.

Continue reading below ↓

"Although meron dito [sa Pilipinas], mas kampante yung doctor niya [Rudy] because mas bago yung mga machines doon [sa Japan]. Yung nagturo sa doctors ay galing din doon sa Japan. Sila yung nagturo sa mga doctor na nandidito. So might as well yung pinaka-professor yung pupuntahan ko, di ba?" paliwanag ni Lorna.

Hindi pa alam ni Lorna kung sino sa mga malalapit na kaibigan ni Rudy ang sasama sa kanila sa Japan kung saka-sakaling matuloy nga sila.

"Sa suporta mula sa kanyang mga kaibigan, napakadami," sabi ng aktres. "Doon mo mapapatunayan in time of trials and in crisis, di ba? Nandiyan silang lahat. Lahat siguro ng way na puwede nila ipakita kung gaano nila kamahal si Rudy, ginagawa nila.



"Kailangan din siguro pareho kaming matapang [ni Rudy]. Nakikita ko yung strength niya, nakikita din niya yung strength ko. Siguro mas maganda yun, di ba?" paliwanag pa ni LT.



Ikinuwento rin ni Lorna na boxing daw ang paboritong exercise ngayon ni Daboy. Nagbubuhat at nagtre-treadmill din daw ang action star.

Continue reading below ↓

Very proud din si Lorna sa kanilang dalawang anak na lalake ni Rudy sa gitna ng pagsubok na ito sa kanilang pamilya.



"Sila rin yung malalakas ang loob," sabi ni Lorna. "They do their own spiritual enlightenment and upliftment. Like si Ralph, katatapos lang niyang mag-silent retreat. Then, si Renz naman, kahit papano, yung katulad nito na may work ako, sila yung tumitingin sa Dad nila."



Idinagdag din ni Lorna na madalas sa bahay nila ang anak ni Rudy kay Alma Moreno na si Mark Anthony Fernandez kapag wala itong trabaho. Lagi raw well-informed si Mark sa mga nangyayari at kalagayan ng kanyang ama.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We're fighting. Lumalaban kami sa kung anuman yung sakit niya ngayon," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results