John Lapus: "I became a bigger star now that I'm with GMA-7."

Apr 26, 2007
"Definitely, tine-treasure ko naman ang anumang natutunan ko at nangyari sa akin sa Dos, at siyempre natutuwa ako sa nangyayari sa akin ngayon sa GMA-7," says John "Sweet" Lapus.

Hindi inaasahan ng versatile TV host-comedian na si John "Sweet" Lapus na mula sa ABS-CBN ay mag-o-ober da bakod siya sa rival network nitong GMA-7. Isa si Sweet sa main hosts ng bagong showbiz talk show ng GMA-7, ang Showbiz Central, na pumalit sa nagtapos nang S-Files.

Kuwento ni Sweet, after graduating sa college ay diretso na siya sa pagtatrabaho sa ABS-CBN 14 years ago. Nagsimula siya roon bilang researcher sa Showbiz Lingo. Pagkatapos ay naging head researcher, producer, at associate producer siya sa The Buzz. Ang last position niya sa Kapamilya Network ay bilang creative consultant.

Graduate si John ng Hotel and Restaurant Management (HRM) sa University of Sto. Tomas (UST), pero may background siya sa teatro kaya napunta siya sa showbiz.

"Napakalayo ng kurso ko, ‘no!" natatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "But I was a member kasi ng Teatro Tomasino. Pagka-graduate ko ng college, gumawa ako ng mga play sa UP [University of the Philippines]. When I was doing plays sa UP, nagtatrabaho na ako sa ABS-CBN that time."

Patuloy ni Sweet, "Pero sa totoo lang, hindi ko ini-expect na mapupunta ako sa GMA-7. Of all people, ako ang hindi. Kasi insider ako, staff ako dati ng ABS. I am literally homegrown. Mula sa pagiging staff, naging artista—homegrown talaga. Iniisip ko nga kung sino ang mga kasabayan ko halos [sa ABS-CBN]. Sina Jolina [Magdangal], doon na lumaki ‘yon, e. Carmina Villarroel, Richard Gomez... Kami yung magkakasabay. And ang na-notice ko lang, all of us became a bigger star when we transferred here [sa GMA-7].

"But of course, at the end of the day, bigger responsibility din as well. Parang hindi na ako puwedeng tsumika-tsika at lumandi-landi lang dahil hindi na ako segment host. Dito sa Showbiz Central, host na ako. So kapag nag-flop ‘yan, isa ako sa sisisihin. Nang nasa The Buzz ako, ‘Oops, hindi ako host, chuwariwap lang ako rito.' Puwede ko yun sabihin, pero iba na rito."

Showbiz Central. Ibinahagi rin ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang gusto niyang gawin sa Showbiz Central.

"Well, I believe na mas matapang ito, mas mabilis, at mas malaman," sabi ni Sweet. "Ako ang sinasabi ko sa kanila, I'm daring them na ang mga blind item sa mga newspaper at ibang TV shows, pangalanan natin. Interbyuhin namin yung artista at itanong namin kung siya itong nasa blind item. Kung hindi siya, ‘So ayan po, hindi raw siya,' tapos. Kung nasa column, itanong namin mismo sa artista kung siya ito dahil sa mga clue, like initials niya ito at malapit sa description sa kanya, e. Pero kung hindi, tapos. Ganoon lang.

"Kasi ako, I was never a fan of the blind item. I have nothing against it. Pero kung may isang isyu na hindi ko puwedeng talakayin, let's not talk about it na lang. Pero bakit pa tayo magba-blind item, hindi ba? Obvious naman ang clue, pero bina-blind item pa. I can't see the point, e. Ang challenge ko nga, kapag masyadong obvious ang clue, bakit hindi na lang pangalanan? And ang responsible journalism, kapag may narinig kang balita, tawagan mo yung artista. Huwag mong i-blind item, liwanagin yung issue."

Pahabol pa niya, "Ako, mate-take ko pa yung hindi mo kasi ka-close 'yong artista, that's one, or takot ka kaya iba-blind item mo. Pero kung close ka naman sa artista, bakit pa kailangang i-blind item kung puwede mo namang tanungin?"

At dahil di naman matinee idol o bida-bidahan ang image ni Sweet, sabi nito, "So, gusto kong magkaroon ng segment na ganyan sa Showbiz Central. Sa tingin ko kasi, hindi naman yata kaya ‘yan nina Pia [Guanio] at Raymond [Gutierrez]."

Big change. October last year nang nag-alsa balutan si Sweet sa Kapamilya Network at lumipat sa Kapuso Network, kung saan binigyan siya ng one-year exclusive contract. Ngunit ang Star Magic, the talent arm of ABS-CBN, pa rin ang management company handling John.

Aminado naman ang TV host-comedian host na malaki talaga ang ipinagbago ng kanyang career dahil sa pangyayaring ito.

"Ano nga ba ang changes?" nag-pause siya at matamang nag-isip. "Frankly speaking and modesty aside, I became a bigger star now that I'm with GMA-7. Kasi I'm a host now dito. When I was in ABS, I was a co-host or not even, I was a segment host. When GMA-7 got me, they made me a host."

Fourteen years siya sa ABS CBN, pero ngayon ay kinupkop na siya ng GMA-7. Nasaan kaya ang loyalty ni Sweet ngayon?

"Thank God, wala pa namang nagtatanong niyan sa akin, ngayon lang!" tawa niya. "Pero it's unfair, because I was with ABS for 14 years, at dito sa GMA, magse-seven months pa lang ako. But one thing I can say, kahit bago pa lang ako rito, so far so good. Definitely, tine-treasure ko naman ang anumang natutunan ko at nangyari sa akin sa Dos, at siyempre natutuwa ako sa nangyayari sa akin ngayon sa GMA-7.

"You know, ang showbiz-showbiz talaga ng sagot na may utang na loob ako, atsutsu, pero ‘yon kasi talaga ang totoo, e. May utang na loob talaga ako sa ABS, and until now—halos seven months na ako sa GMA-7—pero wala pa silang naririnig na isang bagay na sinabi kong masama about ABS-CBN, o sa mga artista doon, or even yung mga staff doon. And I would never do that, hindi mangyayari ang ganoon. Kasi kung mayroon man, parang, Diyos ko, past na ‘yon, care ko pa ba ‘yan?" nakangiting pagtatapos ng maldita—sa TV lang daw, sabi ni John—but definitely loveable at talented na TV host-comedian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Definitely, tine-treasure ko naman ang anumang natutunan ko at nangyari sa akin sa Dos, at siyempre natutuwa ako sa nangyayari sa akin ngayon sa GMA-7," says John "Sweet" Lapus.
• This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
Poll

View Results
Total Votes: 12,184
• 50%
• View Results