Regine Velasquez: Wait for Ogie's announcement in June

Apr 26, 2007
"Ogie and I are really really good friends. Seriously, I will have to wait for him, what it is that he has to say. Because siya yung guy, e. Di ba, dapat ganoon? Kasi siya yung lalaki. So hintayin natin kung anuman ang sasabihin niya sa June. And then, you come back to me and ask me," says Regine Velasquez.


Nakakatuwa ang mga kasagutan ni Regine Velasquez sa mga katanungan sa kanya ng entertainment press sa press con ng kanilang pelikula ni Piolo Pascual under Star Cinema and Viva Films, ang Paano Kita Iibigin, kagabi sa ABS-CBN compound.



Game na game ang tinaguraing Asia's Songbird sa pagsagot sa mga tanong ng press. Pero may mga tanong na hindi niya talaga mabigyan ng diretsong sagot, especially when they're about her lovelife.



In-love ba si Regine ngayon?



"Lagi naman ako in-love, e!" sabi niya.



So in-love nga siya ngayon?

"Yeah," tila pa-cute pa niyang sagot.



Someone special. Tila pinaikut-ikot naman ni Regine ang naging kasagutan niya when asked kung sa pagsasabi nga niyang in-love na siya, posibleng magselos ang special someone niya sa mga daring scenes nila ni Piolo sa Paano Kita Iibigin.



"Hindi ko sinabing I'm taken!" natatawang bawi agad ni Regine.



Kaya ibinalik sa kanyang muli ang tanong na, "So, you are not?"

Continue reading below ↓



Medyo matagal bago nakaapuhap ng isasagot si Regine. Then, she just safely said, "Depends."



Pero hindi tinantanan si Regine ng entertainment press at diretsahan na ngang binanggit ang pangalan ni Ogie Alcasid, na for the longest time ay inili-link sa kanya at pinaniniwalaan halos ng karamihan na siya ngang special someone ng Asia's Songbird.



Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine kung totoong nag-react si Ogie sa mga daring scenes niya sa movie at sa balitang nagselos ang singer-songwriter kay Piolo.



"Ganun? Bakit siya magre-react? Wala siyang reaction. Ganito lang siya [sabay make-face na tila natulala]. Walang reason para magselos," tawa niya.

"Pero alam nyo, we asked him kasi for a song [for the movie]. Kasi we really need it na, e. So ang ginawa ko, kinulit-kulit-kulit ko na [si Ogie]. Tawag talaga ko nang tawag. E, ang hirap ng kuwento ng movie. Kaya kinailangan kong ikuwento nang ikuwento. Ikuwento ni Joyce [Bernal, director of Paano Kita Iibigin], so buong araw yatang ikinukuwento sa kanya. At saka si Ogie kasi, kung natatandaan nyo, kahit dati pa, siya yung gumawa ng Kailangan Kita. So parang feeling ko, si Ogie, he's my lucky charm," kuwento pa ni Regine.

Continue reading below ↓



Ogie's announcement in June. Pumasok na namang muli ang month na June nang tanungin si Regine kung hindi ba niya nararamdaman na may gusto sa kanya si Ogie. Matatandaang sa June daw ihahayag ni Ogie ang kanyang "special announcement."



"Hintayin nyo sa June! Basta yun lang ang masasabi ko. Kasi yun ang palagi niyang [Ogie] sinasabi, ‘Hintayin nyo sa June.' Kaya ganoon na rin ang sinasabi ko. At saka, ano ba, niru-roast nyo ko, birthday ko pa naman!" tili ng Asia's Songbird who turned 37 last April 22.



Bakit sa kabila ng pagde-deny nina Regine at Ogie na wala silang relasyon maliban sa pagiging magkaibigan ay tila marami pa rin ang naniniwalang sila na nga?



"Hindi ko alam! Siguro halata kasi ako!" natatawang biro niya.

"Okay, seriously, Ogie and I are really really good friends. Seriously, I will have to wait for him, what it is that he has to say. Because siya yung guy, e. Di ba, dapat ganoon? Kasi siya yung lalaki. So hintayin natin kung anuman ang sasabihin niya sa June. And then, you come back to me and ask me," seryoso na niyang sagot.

Continue reading below ↓

Regine as a mother? Kung ang mga magulang ni Regine ang tatanungin, especially with Mang Gerry, her father, very vocal ito sa pagsasabing nasasabik na siyang mag-alaga ng apo na galing sa kanyang panganay na anak. Ano ang masasabi ni Regine dito?



"Oo nga. E, akala yata nila kaya kong gawin nang mag-isa yun!" natatawa niyang sabi.



At 37, bagama't may nauna nang nagbiro kay Regine na baka mahirapan na siyang magka-anak, still, tinanong pa rin siya kung ilang anak ang gusto niya.



"Well, sa age ko ngang ito, baka isa na lang!" tawa niya ulit.

"Pero kung sakali ngang mabiyayaan ako, mabigyan ako, happy na ako doon. Pero kung sakali at hindi, happy na rin ako. Kasi choice naman ito [to be single]," sabi pa ni Regine.



Masasabi ba niyang maligaya siya sa kanyang choice?



"Yes," mabilis niyang tugon. "Feeling ko kasi, may responsibility ako noong araw. Pero ngayon, wala na. Natapos na ang responsibility ko. And in fairness to my parents, it was not forced upon me. It was not given to me. I took it upon myself. My family was poor so I wanted to help."

Continue reading below ↓

Here comes the bride. Nang mapunta naman ang upasan sa kasal, hangga't maaari ay ayaw pang magbigay ng anumang pahayag ni Regine tungkol dito. Hindi pa raw kasi tamang panahon at para hindi na rin malito lalo ang press. Natatawa na nga lang si Regine dahil may mga nagbi-visualize na nga na magiging maganda raw siguro ang wedding niya, especially kung sa Batangas ito gagawin—si Ogie ay taga-Batangas.



Sinabi ni Regine sa PEP na sa estado niya ngayon, hindi na raw siya katulad noong bata-bata pa siya na ini-imagine kung anong wedding ang gusto niya para sa sarili.



PEP also asked her kung gaano na katagal ang happiness na nararamdaman niya sa special someone niya, na una pa nga niyang itinago sa pangalang "George," which happens to be the name of her dog pala.



"Hopefully, it's for a lifetime," nakangiti niyang sabi. "Sino ba ang hindi nagwi-wish nun na yung happiness mo ay hindi natatapos? But it's a relationship. You go through life in general, na dumaan ka sa maraming trials, challenges. Pero nasa inyo naman yun."

Continue reading below ↓



Paano nga ba ibigin ang isang Regine?



Aniya, "Madali lang.... Seriously, mataas ang standard ko. Pero feeling ko kasi, bakit ko ibababa? Siyempre, when the right person comes along and feeling niya, nandoon yung qualities na gusto ko sa isang tao, nandoon na yun.



"Di, ba, ang daming nagsasabi na, ‘Bakit wala ka pang boyfriend? Baka tomboy ka. Bakit hindi ka pa naghahanap? Bakit hindi ka makipag-date?' Kasi ang feeling ko, hindi naman yun hinahanap. There was a time na I wanted to concentrate on everything. I want to focus on that before I settle down. Nangyayari na lang yun... Kapag na-meet mo ang taong yun na supposedly para sa ‘yo," paliwanag niya.



Si Ogie na ba yun?



"Naku ha! Bakit ba parang siguradong-sigurado na kayo? Basta ang masasabi ko lang, hintayin na lang natin kung anuman ang sasabihin niya sa June. Hanggang doon lang ang masasabi ko," natatawang pagtatapos ni Regine.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Ogie Alcasid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ogie and I are really really good friends. Seriously, I will have to wait for him, what it is that he has to say. Because siya yung guy, e. Di ba, dapat ganoon? Kasi siya yung lalaki. So hintayin natin kung anuman ang sasabihin niya sa June. And then, you come back to me and ask me," says Regine Velasquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results