Lolit supports Mark's decision not to work with Jennylyn and Patrick in one movie

Apr 25, 2007
Mark Herras's (left) manager, Lolit Solis, clarifies that her ward can work with both Jennylyn Mercado (right) and Patrick Garcia, but not when the three of them are in one movie.


Suportado ni Lolit Solis, ang manedyer ni Mark Herras, ang desisyon ng aktor na huwag tanggapin ang offer ng Regal Films na magsasama sa kanila nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa pelikulang Tiyanak.


Ayon kay Lolit, ayaw niyang mabuhay, maungkat, o lumala ang gap nina Mark at Patrick dahil kay Jennylyn.



Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lolit, ikinuwento niya na noong nag-uumpisa pa lamang ang relasyon nina Patrick at Jennylyn, panay pa rin ang pagpapadala ng young actress ng mga text messages kay Mark.



Ngunit tila iba ang kuwentong ipinarating kay Patrick ni Jennylyn pagkat ang kinahinatnan ng mga text messages ay kay Mark nagalit si Patrick. Naging si Mark na ang ayaw tumigil sa pagpapadala ng text messages sa dating girlfriend.



"Kung magkakasama sina Mark, Jennylyn, at Patrick sa Tiyanak, siguradong magkakaroon na naman ng isyu, kaya tama lang na huwag silang magkasama sa isang project. Payag si Mark na makatrabaho si Jennylyn o si Patrick, pero sa isang project na hindi silang tatlo ang magkakasama, para maiwasan ang nangyari noon," sabi ni Lolit.

Continue reading below ↓



Bandang huli, si Mark at hindi si Patrick ang pinili ng producer ng Tiyanak para makapareha ni Jennylyn.

Ayon kay Lolit, hindi sila magtatampo kung si Patrick ang naging choice ng Regal Entertainment na maging leading man ni Jennylyn sa pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras's (left) manager, Lolit Solis, clarifies that her ward can work with both Jennylyn Mercado (right) and Patrick Garcia, but not when the three of them are in one movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results