Luis Manzano not threatened by Oyo Sotto's transfer to ABS-CBN

Apr 27, 2007
"Kahit na magka-boyfriend, kahit mag-asawa si Anne, or kahit mag-girlfriend or mag-asawa na ako, walang kahit sinong pwedeng umagaw sa titulo namin as soulmates," says Luis Manzano about his relationship with Anne Curtis.


Gulat ang initial reaction ng young TV host-actor na si Luis Manzano nang mabalitaan niya na lumipat na ang ex-boyfriend ni Anne Curtis na si Oyo Sotto sa bakuran ng ABS-CBN. Sa ngayon kasi ay malapit sina Luis at Anne, at aminado naman silang dalawa na gusto nila ang isa't isa, bagama't magkaibigan lang ang kanilang relasyon.



"Nagulat ako, honestly, dahil alam ko naman na tuluy-tuloy ang projects ni Oyo doon [sa GMA-7]. And siguro for him, it was a personal choice siguro to grow or to venture into something new. Pero walang galit, walang kahit anong negative feelings sa paglipat. It's more of a welcome—welcome to the ABS family," pahayag ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa victory party ng Ang Cute ng Ina Mo.



Wala rin daw siyang nararamdaman na tension or pressure, na baka magkabalikan ulit sina Anne at Oyo, lalo na't may nilulutong project para sa kanila ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓



"Good luck sa project nila," sinserong pahayag ni Luis. "I just heard about it, pero kung ano yung project, hindi ko pa alam. I'm sure okay naman ang tambalan nila because, one, they get along, they're very good friends. They have remaind good friends after their relationship."



Kung kailan ang ganda-ganda na ulit ng samahan nina Luis at Anne, siya namang paglipat ni Oyo sa ABS-CBN. Baka malipat muli ang atensyon sa dalaga sa kanyang ex-boyfriend. Inamin pa naman ni Anne sa isang interview na kung may babalikan siya among her past boyfriends, ito'y walang iba kundi si Oyo.

Ano ang reaksiyon dito ni Luis?



"Anne and I are soulmates," nakangiting sabi niya. "Hindi na kailangan na maging mag-on kami. Hindi na maaagaw yung titulo na mag-soulmates kami. Kahit na magka-boyfriend, kahit mag-asawa si Anne, or kahit mag-girlfriend or mag-asawa na ako, walang kahit sinong pwedeng umagaw sa titulo namin as soulmates. Nippy [tawag niya kay Anne] is my soulmate and nothing will change that."

Continue reading below ↓



Toni Gonzaga. Bukod kay Anne, isa pa sa mga malalapit na kaibigang babae ni Luis sa showbiz ay si Toni Gonzaga. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na nanligaw rin ang binata kay Toni. At ngayon kalat na kalat na ang bagong manliligaw ni Toni ay ang young director na si Paolo Soriano, apo ng yumaong aktor na si Nestor de Villa.



"That's none of my business," sagot ni Luis nang hingan namin siya ng reaksiyon. "Ayokong pakialaman yung mga buhay, in the same way ayoko na may nakikialam sa buhay ko na ganun. Basta ang sa akin, especially Toni's lovelife, it's none of my business.

"Pag nasakatan siya siguro, hindi ko lang business, kundi [business ng] lahat ng kaibigan niya na nagmamahal sa kanya. Kasi siyempre, sino ba naman ang gustong makita na nasasaktan ang isang kaibigan? Siguro pag nakita namin na sinaktan siya o nabastos siya, and then marami kami. I'm sure na we will make it our business. But in terms of sa mga manliligaw sa kanya, e, dapat irespeto na lang natin."

Continue reading below ↓



Tumigil na ba siya sa panliligaw kay Toni?



"Ang tagal ko na ring nanliligaw. Siguro alam ko na rin yung puwesto sa buhay niya. But then, I think she's very happy. I'm very happy sa puwesto namin sa buhay namin sa isa't isa. Alam ko na ang posisyon ko sa buhay ni Toni. Period na," sabi niya.



His own place. Last April 21 ay nag-celebrate ng kanyang 26th birthday si Luis sa Boracay. Nakasama niya doon ang mga kapatid niya sa kanyang amang si Edu Manzano. Tumawag din daw pareho sa kanya ang Daddy niya at ang Mommy niya, na si Lipa City Mayor Vilma Santos.



Speaking of Ate Vi, nang huling makausap ng PEP si Luis sa album launch ng Rounin ay naikuwento niya na ibinigay na sa kanya ng Mommy niya ang bahay nito sa Greenmeadows na hiningi niya. Yun na ba ang birthday gift sa kanya ng kanyang ina?

Continue reading below ↓



"Oo, hiningi ko sa kanya, but I think hindi pa yun ang birthday gift niya sa akin. I think before pa birthday ko, ibibigay na talaga sa akin yun. So I don't really want to consider that as a birthday gift. Napag-usapan na namin na ipapa-renovate ko. Gagawin ko na akin na talaga. Ako yung magde-design sa bahay. How many years ko na na-decide na ganun ang mangayayari. So, hindi pa siguro yun ang birthday gift."



Pagkalipat ng Mommy niya at ng stepfather niyang si Senator Ralph, with his younger brother Christian, sa bago nilang bahay sa Alabang, saka raw ipapa-renovate ni Luis ang bahay nila sa Greenmeadows.



"Bubukod ako sa Greenmeadows, medyo malayo kasi ang Alabang. I'm very blessed in terms of trabaho, income. Kahit paano, maganda naman ang kita. So gusto ko naman ma-feel yung may sarili kang bahay. Like for example, si Toni, nakapagtayo ng napakagandang bahay dahil napaka-successful niya. So kumbaga, ako naman, susubukan ko," sabi pa niya.

Continue reading below ↓



At 26, nag-iisip na raw si Luis na magkaroon ng sariling pamilya. Hopeless romantic daw kasi siya at hindi daw siya takot sa commitment.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit na magka-boyfriend, kahit mag-asawa si Anne, or kahit mag-girlfriend or mag-asawa na ako, walang kahit sinong pwedeng umagaw sa titulo namin as soulmates," says Luis Manzano about his relationship with Anne Curtis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results