PBB housemate Bruce Quebral a big hit in Slovenia!

Apr 27, 2007
"Many mothers would want him to be their son-in-law," a Slovenian fan commented in a Slovenian web page about Pinoy housemate Bruce Quebral.


Tapos na ang one-week swap nina Bruce Quebral of Pinoy Big Brother (PBB) and Tina Semolic of Slovenia Big Brother (SBB). May farewell party na ngang ginawa ang PBB housemates for Tina and ganoon din ang SBB housemates kay Bruce.

Bruce will return to the Philippines with so many good memories and a group of instant fans from the country he stayed in for a week. Sa official website ng Slovenian Big Brother. www.bigbrother.si, puro news, photos, forums, and videos about Bruce ang most visited and most filled ng kung ano-anong papuri, not just inside the Slovenian house but also sa general TV public ng Slovenia.

Love na love ng Slovenia si Bruce, lalo na ng mga girls doon. One even posted this comment sa isang Slovenian web page: "Many mothers would want him to be their son-in-law." Some Slovenian fans are calling Bruce "semi-God."

Sa isa sa surveys na ginawa ng SBB website, si Bruce din ang ibinotong Handsomest Housemate. Siya rin ang nanalong Mister Slovenian Big Brother Housemate. Bruce won 50 percent of all the votes (3,303), against Andrej na may 22 percent (1,484 votes), Stane with 13 percent (858 votes), Alen with 6 percent (390 votes), Miha with 5 percent (335 votes), and Pero with 4 percent (299 votes).

Continue reading below ↓

Nanggigil din ang mga Slovenian sa mga "bitin" na shower scenes ni Bruce, na so far fills four videos. Tila isa yata sa highlights ng SBB house ang pagligo ng ating kababayan! May mga comments pa ngang sa Pilipinas daw ba ay naka-briefs maligo ang mga lalaki, dahil hindi nga nagtatanggal si Bruce ng briefs kapag naliligo siya doon.

Generally well-loved din si Bruce sa loob ng SBB house. In one test, ang body painting of animals, siya ang ibinoto ng kapwa niyang housemates as winner.

So popular si Bruce that the SBB website created an English version para makapasok ang non-Slovenian speaking guests at para maintindihan ang mga captions sa iba't ibang photo news and sa forum itself.

Na-interview na rin si Bruce ng isang TV show sa Slovenia bago siya pumasok sa bahay. Ultimong ang pagkuwento ni Bruce sa pagkamatay ng kanyang ama ay naka-generate ng napakaraming outpouring of sympathy for him. Two years ago namayapa ang ama ni Bruce.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Many mothers would want him to be their son-in-law," a Slovenian fan commented in a Slovenian web page about Pinoy housemate Bruce Quebral.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results