PDA scholars overwhelmed by generosity of Filipinos in the US

Apr 27, 2007
(From left) Jay-R Siaboc, Yeng Constantino, and Ronnie Liang share their experience of their first US concert tour.


Nakauwi na ng midnight of Wednesday, April 25, ang anim na Pinoy Dream Academy scholars na sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, Panky Trinidad, Irish Fullerton, and Chad Peralta mula sa kanilang first US tour.

Lasting two full weeks, tatlong shows lang ang nabuo nila. Ang nabalita nung una ay seven cities ang pupuntahan nila. Sa huli, nag-perform sila sa Los Angeles, San Diego, and Las Vegas.

Ngunit puro happy memories of the US tour ang dala nina Yeng, Jay-R, at Ronnie nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal). At ang hinding-hindi raw nila makakalimutan ay kung paano sila tinanggap ng mga Pinoy doon and how generous these were to them.

Kahit naibigay sa kanila ang half of the payment for the show para maging spending money nila, plus $50 allowance per day, halos wala rin daw silang ginasta doon dahil napakarami nilang natanggap na regalo in cash and in kind.

Continue reading below ↓

Lahat daw sila, nakatanggap ng dollars while performing. Bukod pa rito ang iba't ibang gifts, like perfume and shirts, while touring the Filipino community.

Si Yeng, libre ang second day niya sa Disneyland dahil may nagbigay sa kanya ng free ticket. May isa rin daw Pinoy na bukod sa naghatid sa kanila sa isang outlet of popular clothing brands on sale, binayaran pa raw lahat ang binili niya doon.

May nagbigay rin kay Yeng ng kanyang trademark Converse shoes. But the biggest gift she received was a laptop!

Talo nga lang lahat sila kay Ronnie dahil nag-organize ang kanyang overseas fans, ang MacaRonnie, to meet and greet him and, in effect, give all the gifts sa kanya.

May nagbigay rin sa kanya ng dollars, perfumes, shirts, and even a laptop! Si Ronnie lang ang nabigyan ng PSP. Higit sa lahat, pati ang mga magulang niya, niregaluhan din ng mga fans niya kaya nag-overweight ang kanyang bagahe.

It has also been said that mas malaki pa raw ang natanggap na regalo ni Ronnie kung iku-convert ito sa pera kaysa sa tinanggap niyang talent fee for the two-week show.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jay-R Siaboc, Yeng Constantino, and Ronnie Liang share their experience of their first US concert tour.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results