Patrick Garcia's camp to slap Lolit Solis with P10M libel suit?

Apr 27, 2007
In her radio program on DZRH yesterday, talent manager-TV host Lolit Solis reportedly said that actor Patrick Garcia is "bakla."


Mukhang patuloy na lumalala ang iringan ng talent manager-TV host na si Lolit Solis at ng young actor na si Patrick Garcia.

Kahapon, sa kanyang programa sa DZRH nagbitiw muli ng mga pasaring si Manay Lolit patungkol kay Patrick. Tinawag diumano ni Manay Lolit si Patrick na "bakla." Dagdag pa ni Lolit, boyfriend daw ni Patrick ang ini-endorso nitong pulitiko.

Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nakarating sa magulang ni Patrick ang mga paratang ni Manay Lolit sa kanilang anak at nagalit daw nang todo ang mga ito. As of this morning daw, nagbabalak ang mga magulang ng young actor na magsampa ng kasong libelo sa talent manager/TV and radio host/entertainment columnist—at ang hihingin raw nilang danyos ay nasa P10 million.

Samantala, humingi ang PEP ng opisyal na pahayag kay Arnold Vegafria, ang manager ni Patrick. Ayon kay Arnold, "Wala, hearsay [lang ‘yon]. It's baseless. It's useless. I'm with Patrick now."

Continue reading below ↓

Ayon naman sa isang reporter ng Startalk, katatapos lang nilang interbyuhin si Patrick kanina. Nang tanungin ito tungkol sa napipintong pagdedemanda ng kanyang mga magulang kay Manay Lolit, sinabi ni Patrick na "sana huwag na." Ibig sabihin, ayaw niyang dumulog pa sa korte ang kanyang mga magulang.

Matatandaan na nagsimula ang alitan nina Lolit at Patrick nang bastusin diumano ng young actor ang staff ng Startalk sa set ng kinabibilangang programa ni Patrick, ang Super Twins.

Kakapanayamin sana ng staff si Patrick tungkol sa pagkakatanggal niya sa cast ng Tiyanak, ang pelikulang pagbibidahan ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado at ng ex-boyfriend nitong si Mark Herras. Kaso, pinagsarhan diumano ni Patrick ng pinto ng kotse ang Startalk staff, sabay sigaw ng "Natutulog ako!"

Kahapon, sa "Startalk" column ni Manay Lolit sa tabloid na Pang-Masa, isinulat nito na: "Walang kasalanan ang Startalk staff dahil properly informed ang handler ni Patrick na darating sila sa set ng Super Twins para interbyuhin siya. Hindi naman basta sumipot ang staff sa set at biglang in-ambush interview si Patrick."

Sa isang panayam sa radio program na Wow... Ang Showbiz!, nilinaw naman ni Patrick na hindi niya alam na ang staff ng Startalk pala ang kumakatok sa kotse. Kasalukuyan daw kasi siyang natutulog at nakasandal sa pinto ng kotse noong mga oras na 'yon. Nang binuksan daw ng staff ang pinto ay agad niyang isinara ito para hindi raw siya mahulog.

"Hindi ko po alam na kaya binuksan ng maid yung pinto ng kotse, e, dahil gusto akong interbyuhin ng mga taga-Startalk. Hindi po intentional ‘yon. Kung akala po nila, e, binastos ko sila, I apologize po," paliwanag pa ng binata.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her radio program on DZRH yesterday, talent manager-TV host Lolit Solis reportedly said that actor Patrick Garcia is "bakla."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results